Ikatlong Kabanata

11.8K 305 14
                                    

Ikatlong Kabanata

Si Seth

Nalaglag ang panga ko. What’s with the wink? What now? What just happened? Inulit kong basahin ang text message bago tuluyang maproseso ng utak ko. At hindi ko na napigilan ang pagngiti ko. Nang lumingon muli ako ay andoon na siya sa gitna ng court. I’m not fully aware that I am smiling. Nakatingin siya sa akin, then he bowed his head, not sure, pero siguro para hindi ipakita sa akin na ngumiti siya. Umiling siya bago lumapit sa teammates.

Gosh, bakit nga ulit ako andito sa gym?

“Hey, baby!” Yumakap sa akin si Seth pagkatapos ng training nila.

“Gross, pawis ka pa.” I said jokingly but still hugged him back.

“Buti nahintay mo pa ko.”

 

Ni hindi ko nga napansin na natapos na ang training nila. My eyes were locked to Esteban. Pamaya maya ay tumitingin siya at parang lalong ginaganahan sa paglaro. Is it just me?

“Of course. Ikaw pa. Ang galing galing mo kaya.” Kahit si Esteban naman ang tinitignan ko. I shrugged away the thought.

Kinurot ni Seth ang ilong ko at inakbayan ako. Kaya hayun na naman ang mga nanlilisik na mata na nakatingin sa amin habang nilalagpasan namin sila. Kulang na lang lagyan ko ng label si Seth na ‘pinsan ni Bella’. Umiling ako. Pathetic girls.

Pero may dalawang nanlilisik na mata ang nakakuha ng atensyon ko. Si Esteban. He was glaring at me, pero hindi ko na napansin pa ito dahil mabilis ang paglakad ni Seth at nadadala ako dahil sa akbay niya. Ano na naman kay Esteban? Ayan na naman siya sa moodswing niya. Kanina patawa tawa pa siya, ngayon mukhang mangangain ng buhay. I furrowed my brows in confusion as we approached Seth’s car. Binuksan ni Seth ang pinto ng driver’s seat.

I bit my lip habang nakatitig sa ceiling. Those pair of eyes, glaring at me. Hindi ko siya mabasa. What is his freaking problem?

Inabot ko ang phone ko from my bedside table. I was a bit disappointed na wala akong text galing sa kan’ya. This is insane! Bakit ba ako umaasa? Napailing ako at nagtype.

 

You did great kanina :)

Lumunok ako bago pindutin ang send. Umabot ng sampung minuto bago siya nagreply. Nakatulog na nga ako pero nagising sa pagvibrate ng phone.

Thanks.

Hmp. What happened to his winking smiley?

“Anong kailangan mo?” Inangat niya ang ulo niya habang pinupunasan ang basang buhok. So hot. Yung malakristal na pawis niya sa buhok niya, at ang pawis niya sa kanyang jersey. Damn it, distracting.

“Uhm, t-tungkol bukas.” I cleared my throat “5 am diba? Anong mga dadalhin ko?”

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon