Ikalimang Kabanata

9.8K 283 22
                                    

Ikalimang Kabanata

It's wet

“Ah, hehe. Hindi na ako maliligo. Hindi naman ako mabaho.” LOL! Sinungaling. Naaamoy ko na ang sarili ko. “I-isa pa, wala naman akong damit.”

Nilabas niya ang iPhone niya at may di-nial.

 “Hello, bumili ka ng tshirt atsaka shorts,” Tinignan niya ako dahan dahan from head to toe saka nag-iwas ng tingin. Naconscious naman daw ako doon “27 siguro. Aish! Ikaw na bahala. Oo… Sige.”

Humarap siya sa akin. “Problem solved. Maligo ka na. Bilisan mo, kailangan natin makabyahe bago dumilim.”

Napasimangot na lang ako habang binubuksan niya ang pinto ng kwarto niya pero nabalik na naman ang pagnganga ko nang makita koi to. I was expecting something like makalat, kung saan saan ang underwear. Lol. Underwear talaga. Pero hindi. Medyo dark green ang walls, yung magaan sa mata. Nasa gitna ang kama niyang enggrande rin. Tapos sa gilid ay may TV, xbox, PS3, at kung anu-ano pa. Mayroong carpet sa sahig at mini-sofa. Grabe, yaman pala ng lalaking ‘to.

Dumiretso siya sa isang pinto na tingin ko ay CR. At tama ako, CR nga. Hehehe.

“Suit yourself. Ibibigay ko na lang sa’yo mamaya yung mga damit mo.” Sabi niya bago naghubad ng t-shirt at umupo sa mini-sofa. Da eff. Kailangan niya ba talaga maghubad all the time? Ayan tuloy, nastuck na naman ang tingin ko sa abs niyang nakakasilaw. Kumpleto sa 8-pack ang mokong. Idagdag mo pa ang bicep at tricep niyang nakabalndra rin.

“Oh?” Nakataas ang kilay niya nang tinignan ko siya. What da eff! Pangalawa na ‘to. Hindi naman ako manyak pero bakit hindi ko maalis ang titig ko sa kan’ya.

 “May problema ba?”

Nasita na naman ako. Hindi na nga ako sasatsat sa utak ko. Umiling ako at dumiretso na sa CR at nilock ang pinto. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Kalma lang. Abs lang ‘yon! Sus! Lagi ako nakakakita ng ganon kapag andon ako kina Seth! Pero bakit kapag siya iba ang epekto? Sinabunutan ko ang buhok ko at naghubad. Binuksan ko ang shower habang paulit ulit sa utak ko ang imahe ni Esteban at ng kanyang nakakasilaw na abs. Pak!

Wala sa sarili kong inabot ang sabon. Inamoy ko muna ito. Hmm. Amoy Esteban. Nang hinahaplos ko na yun sa katawan ko, saka ko narealize na naka-bra pa pala ako! Shet sa sobrang pag-iisip ko sa lalaking ‘yon! Agad ko itong hinubad. Basang basa. Sinampay ko ito saka naligo na nang tuluyan.

Kumatok si Esteban. Nagtwalya muna ako saka binuksan ang pinto. Pero syempre, nakatago ako sa likod ng pinto. Mukha ko lang pinapakita ko. Hindi ako magpapakita sa kan’ya ng katawan kong nakatwalya no!

“Oh.” Abot niya sa akin ng isang supot ng Bench.

Napalunok na naman ako sa nakabalandrang abs niya. Para akong tanga na uhaw sa abs. Pagkatingin ko na naman sa kan’ya ay nakatingin din siya sa akin. Poker face, unreadable. Agad ko sinarado ang pinto. What was that?

Nagbibihis ako nang marealize ko na hindi kasama sa supot ang underwear. Nakakainis! Ano pang susuotin kong underwear ngayon? Nagtwalya ulit ako at binuksan slightly yung pinto. Walang tao, walang gwapong nilalang. Nagbuntong hininga ako. Paano na ko mabubuhay ngayon?

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon