EPILOGUE
"Dito ka na muna." hinawakan ni Esteban ang braso ni Jessica na siyang ikinangiti naman nito.
"Gusto mo bang basahin ko ulit sa'yo to?" ipinakita ni Jessica ang isang notebook na hawak hawak.
"Ano ba yan? Binasa mo na ba yan sakin? Gusto lang kitang makasama." Kahit yan ang sinabi ni Esteban ay pakiramdam niya nagsinungaling siya. May kulang. May mali.
"Pero wala naman tayong gagawin kaya babasahin ko na lang sa'yo 'to. Isa pa, binilin niya sa akin ito." umupo siya sa katapat na silya habang pinagmamasdan ni Esteban ang mapayapang hardin sa bahay nila at nagsimula nang magbasa. Matuling siyang nakinig at unti unting nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso nito.
“Dear Diary, Nakilala ko ang pinakagwapong nilalang sa mundo.
Esteban Carlos Flordeliza.
And he asked me to join him while eating. Just imagine how I’m jumping over and over my bed today. Hindi naman siguro masamang magkacrush, diary, hindi ba?”
Napahalakhak si Esteban sa narinig. Nang inilipat ni Jessica sa pangalawang pahina ang notebook ay nahulog ang isang nakalukot na papel. Kinuha ito ni Esteban at binuksan.
Napawi ang ngiti niya sa nakita. Bumuhos ang kan’yang mga luha. Isa itong sketch ng malaking bahay, sa gilid ay may isang lalaking nakaakbay sa isang babae. Nakatawa sila, masayang masaya. Habang may tatlong batang naglalaro sa gilid nila.
Nanlaki ang mga mata niya habang binabasa sa utak niya ang nakasulat.
Dear Bella,
Haven’t thought we’ve came this far. On our wedding day, I’ll promise you one thing: I’ll love you forever, and we’ll face the bullsh-ts, no matter how big they are. Who cares? My love for you is bigger.
I love you.
Esteban
Napahawak siya sa ulo niya. Napakaraming imahe ang pumasok sa utak niya, napakaraming alaala.
Paano?
Sino?
Bakit?
Hindi siya marunong magsketch. Hindi siya ang nagsketch nito. Imposible.
Napapikit siya habang patuloy ang pagpasok ng imahe sa kan’yang utak. Patuloy ang pagbuhos ng kan’yang luha habang binabasa pa rin ni Jessica ang diary.
Tumayo siya at naglakad palayo, sinenyasan niya si Jessica na wag sumunod. Naghanap siya ng lugar sa hardin nila kung saan siya pwede mapag-isa. Nakuha ng pansin niya ang isa krus na nakatanim sa lupa. Agad niya itong nilapitan.
Napahawak siya sa ulo niya dahil sobrang dami ng alaalang pumapasok dito. Sobrang dami na hindi na niya alam kung paano magrereact.
Napaupo siya nang makita ang isang lapida.
Bella Kaicey Montenegro
1993-2014
Napailing si Esteban at buong lakas na hinukay ang puntod. Bakit? Hindi niya rin alam.
Nahawakan niya ang isang kahon kaya lalo siyang naghukay. Wala siyang pakialam kung maging madumi man ang kamay niya, basta’t kailangan niyang maghukay. Kung ito ang gagawin niya sa buong buhay niya ay ayos lang.
Nang tuluyang mahukay ang isang kahon ay agad niya itong binuksan. Napuno ito ng kung anu-ano.
Isang invitation.
Witness how we join our hearts together
Bella and Esteban
Isang brief.
Isang CD.
Hinawakan niya ng mahigpit ang isang bracelet. It was like a bracelet of memory, dahil bawat paghawak niya sa mga pendant, may pumapasok na imahe sa utak niya. Mga pangyayari na parang ibinaon sa alaala.
Hinaplos niya ang isang music box. Binuksan niya ito at pinagmasdan kung paano gumalaw ang dalawang maliit na miniature. Sumikip ang dibdib niya, parang tinakwil na siya ng puso niya.
Lalo na nang makita niya ang isa pang papel na nakalukot. Binuksan niya ito. Isa itong sketch ng babaeng namumula, nakakagat sa labi, nakaponytail at may hawak na libro.
Pinikit niya ang mga mata niya, hinayaan niyang kainin siya ng napakaraming imahe sa utak niya. Kahit masakit, hinayaan niya
Namulat siya ng mata, mabilis ang tibok ng puso, mabigat ang paghinga.
Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng kan’yang luha. Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa bracelet at inilapit ito sa dibdib niya. Parang sasabog ang puso niya.
“B-BELLA?!”
BINABASA MO ANG
Our Forgotten Tale [COMPLETED]
RomanceUNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have been long forgotten? What if you start to be unseen, unheard, unremembered by the one you dearly loved...