Ika-Labing Dalawang Kabanata

9.2K 228 4
                                    

Ika-Labing Dalawang Kabanata

 I Thought So To

"Nagugutom ka ba?" Tanong sa akin ni Esteban pagkatapos ko magbihis. Nakapagbihis na rin siya at mukhang ayos na ayos na.

Bahagya akong tumango. Hanggang ngayon pinagpapawisan pa rin ako. Aftershock siguro. Dumaan kami sa isang ice cream store. Kailangan ko rin ito, grabe ang pagpapawis ko. Nagorder siya ng chocolate na ice cream samantalang bubblegum flavor naman ang inorder ko. We never spoke about that incident again. Pero hindi ko maikakaila na naging mas komportable ako sa tabi niya. At pakiramdam ko ganun din siya.

Mabuti na lang at hindi kumalat ang balita sa school. Ang alam ko kasi ay sekreto na muna ang mga characters hanggang sa ipalabas ang movie sa university fair sa dadating na university week. Pero maghahanda na ako once nailabas na ito sa buong university.

Katulad ng dati ay malayo pa rin ang agwat namin ni Esteban sa isa't isa. Nagiging close lang kami tuwing shooting, pero kapag hindi ay pakiramdam ko isa lang ako sa maraming langgam na gusto makahanap ng malaking candy. Katulad na lang ngayon, basketball game nila pero heto ako sa malayo, pasulyap sulyap na lang sa angking kakisigan niya.

Pamaya-maya ay nakikisigaw ako sa mga katabi kong nagchachant ng pangalan niya.  Sumasabay ako sa pagcheer tuwing nakakashoot sya. Syempre, never siya natanggal sa game. Ayaw ng coach niya na magpasubstitute dahil nga siya ang pinakamagaling (kahit hindi ko naman talaga naiintindihan ang basketball)

Natapos ang laro na nanalo sila, as expected. Agad kong kinuha ang bag ko at naglakad palayo ng gym, ayokong maabutan ng stampede once nagsilabasan na ang mga estudyante. Bago makalabas ng gate ay napadaan ako sa locker's room. Nalaglag ang panga ko nang makarinig ng ilang ungol mula rito.

"S-Seth ~"

Napalunok ako. I know it's bad to peep pero hindi ko mapigilan ang curiosity ko. Lalo na't narinig ko ang pangalan ng pinsan ko. I peeped through the small hole sa gilid, at lalong nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Unspeakable things. Seth is pinning Jessica on the wall while kissing her neck. Nakajersey pa si Seth at nakapang cheerleader uniform naman si Jessica.

"Oh Seth."

Hinubad agad ni Seth ang suot na jersey at muling siniil ng halik si Jessica. I can't take this, I feel like I'm gonna puke. Agad akong lumayo. So it was Jessica's fault after all. Tama si Seth, she liked it. Tapos ngayon sasabihin niyang desperada na siyang makuha muli si Esteban pero yan pa rin ang ginagawa niya? I can't imagine her using Seth. At hindi ko rin maimagine na nagpapagamit si Seth. And what hurts me is masakit ito para kay Esteban. I can't stand seeing him in pain. Naiinis ako kay Jessica. She's using Seth and she cheated on Esteban.

Hindi pa ako nakakailang hakbang ay nakita ko na agad si Esteban at ang teammates niya dala ang mga bag nila. Nagkakatuwaan pa sila. Pakiramdam ko ay pupunta sila sa locker room. SHUCKS! Hindi nila dapat yon makita! And if ever Esteban still hasn't got over Jessica, lalong hindi niya iyon dapat makita!

Dali dali ko silang sinalubong at sinubukang i-distract.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon