Ikawalong Kabanata

9.9K 235 2
                                    

NAKIKITA ko na ang matayog na building ng Maynila. Mabuti na lang pala may dala akong pera at yun ang ginamit namin pang-gas ni Esteban.  Sabi niya babayaran na lang niya ako, pero tumanggi ako.

Binuhol buhol ko ang mga daliri ko. Nanginginig na ako sa kaba. Ano na lang ang sasabihin ni mama, papa, at Seth? Kahit 19 years old na ako pinaghihigpitan pa rin nila na para bang 12 years old pa lang ako.

Lalo akong kinabahan ng maalala ang nangyari kagabi. Ano na lang sasabihin nila? Na isa akong malandi? Shit. Silly me, hindi naman nila alam eh. Nafufrustrate na ako habang bumibilis ang patakbo ni Esteban sa kotse.

"Dito na lang ako." Sabi ko nang makita ang gate at guard ng subdivision namin.

"Huh?" Nilingon niya ako at pinatigil ang sasakyan "Bakit?"

"Mapapagalitan kasi ako. Hindi ako umuwi kagabi at kapag nakita nilang lalaki ang kasama ko, baka hindi ka na makaalis ng buhay." Tinanggal ko ang seatbelt at tinitigan siya. Nakabalik na naman ang itsura niyang hindi ko mabasa basa. Napakagat ako sa labi ko when I realized he was looking at me directly. Directly to my soul.

"Ayan ka na naman." Bumaba ang tingin niya sa labi ko, at nakita ko ang pagtaas baba ng adam's apple niya. Agad kong kinalas ang pagkakakagat ko sa labi ko.

"S-sige na, Esteban. Salamat ha."

"Damn."

Nagulat ako nang hapitin niya ang batok ko at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang nakapikit niyang mga mata at nagtatama na ang aming ilong. He is kissing me again and I am allowing it!

At itong katawan ko na sinasamba siya ay nagsimulang tumugon sa halik niya. Napapikit na lang ako at napahawak sa buhok niya. I heard him groan as he held me deeper. May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko pa nararamdaman sa tanang buhay ko. His tongue held mine, as if communicating through them. Katulad ng una, mapanuya ang mga halik niya. Mabagal. Hinigpitan niya ang hawak sa magkabilang pisngi ko.

Ganito pala ang nararamdaman nila sa mga librong nababasa ko. Finally, nararamdaman ko na rin. It feels so great. He's a damn good kisser. Napakalambot ng labi niya. I can't believe I've tasted them. A Flordeliza's lips.

I was near to moaning when he pulled out from the kiss and stared at me blandly, at pareho kaming humuhugot ng hininga.

"S-Sorry." He uttered "Kaya please. Stop biting that damn lip." Umupo siya ng maayos sa driver's seat.

I can't believe I have that effect on him. Napangisi ako pero agad akong ngumuso para pigilan ito.

"S-Sige, alis na ako." Binuksan ko ang pinto at nagsimulang maglakad palayo. Hindi na ako tumingin pa sa kan'ya dahil hindi ko na matanggal tanggal ang ngisi ko. Napahawak ako sa labi ko. I had him here, in my lips. How did that ever happen? My first kiss.

Napatakbo ako papunta sa bahay. For a moment nakalimutan kong baka nag-aalala sina mama. Gusto ko lang magkulong sa kwarto at magsisisigaw bong araw.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon