Ika-Tatlumpu't tatlong Kabanata
Lumapit sa akin si Alexis. Hingal na hingal siya, napahawak pa siya sa magkabilang tuhod niya to catch his breath.
“Oh, Alexis. Bakit andito ka? Asan si Esteban?” Lumingon ako sa paligid niya para hanapin si Esteban pero wala akong nakita ni anino niya. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba.
Inangat ni Alexis ang tingin niya sa akin, hingal na hingal pa rin.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Lumakas ang nararamdaman kong kaba at hindi ko alam kung bakit. Napakunot ako ng noo habang binuksan ni Alexis ang labi niya para magsalita.
“S-Si Esteban, naaksidente siya.”
Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung paano nangyari basta na lang bumuhos ang mga luha ko. Sumikip ang dibdib ko dahil sa naramdaman ko.
“H-Ha? Asan siya? Okay lang ba siya?”
Agad niyang binigay ang pangalan ng ospital. Tinanggal ko ang sapatos ko at tumakbo palabas ng hotel. Narinig ko pa ang tawag sa akin ni Alexis at nina mama pero hindi ko na sila pinansin. Kailangan kong makapunta doon!
Napahawak ako sa dibdib ko para pakalmahin ang puso kong napakabilis na ng tibok, pero hindi ito nakatulong. Lalo akong kinabahan.
Nakabelo at nakagown akong naglakad para maghanap ng taxi. Humahapdi na ang mata ko dahil sa natunaw na foundation na nararamdaman ko sa mga mata ko. Lalo akong napaluha. Shit! Bakit kung kalian kailangang kailangan ko ng taxi saka walang dumadating?!
Nagsimula akong maglakad dahil wala talagang taxi na dumadaan! SHIT! Bakit siya andoon? Anong nangyari? Please, wag naman sana. Wag naman please. Kahit ngayon lang, pasayahin niyo naman ako.
Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Naramdaman ko ang malalamig na ulanna pumapatak sa balat ko, pero mas naramdaman ko ang init ng luha ko na dumadaloy pababa sa pisngi ko.
Tumakbo ako kahit napakabigat na ng gown ko. Alam kong napakalayo pa ng ospital pero wala akong pakialam! Tatakbuhin ko ito hanggat kaya ko!
Biglang may bumusina sa likod ko. Natubuan ako ng pag-asa nang makita ang sasakyan ni Alexis. Napabuntong hininga ako at agad pumasok sa loob, kahit basing basa na ang gown ko.
Kinuha niya ang kan’yang panyo at pinunasan ang mukha at buhok kong basing basa dahil sa ulan.
“please, Alexis. Tara na.” Pinatigil ko siya. Nagbuntong hininga siya at pinaharurot ang sasakyan.
I called out a prayer habang papunta kami roon. Please, let him be okay. Let him be safe. Ako na lang, ako na lang please. I kept on begging kahit hindi ko alam kung kanino ako humihingi ng saklolo.
Humikbi ako ng humikbi pero hindi nababawasan ang bigat sa dibdib ko. Nadadagdagan pa ito. Lumunok ako para tanggalin ang nakabara sa lalamunan ko pero hindi ito natanggal. Shit! Malayo pa ba?!
Ilang minuto pa nang makarating kami sa ospital. Alexis slowed down pero hindi ko na hinintay ang paghinto ng sasakyan. Binuksan ko ito at tumakbo papasok sa loob. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa gown ko at make up kong sira sira na. Dumiretso ako sa information desk habang pinapakalma ang sarili ko, kahit alam kong imposible iyon.
“Miss, asan yung a-asawa ko. E-Esteban Carlos Flordeliza po.” Pumiyok ako. Agad siyang nagtype sa computer niya.
“Ma’am nasa emergency room pa po siya, off limits po kasi. Pakihintay na lang po.” Itinuro niya ang mga upuan.
“bakit hindi ako pwedeng pumasok sa loob?! Kailangan kong makita ang asawa ko!” pagpupumilit ko.
“Sorry po ma’am. Hospital policy.”
Muntik na akong mahulog sa sahig dahil hinang hina na ang katawan ko. Mabuti na lang at agad akong inalalayan ni Alexis para makaupo.
“Don’t worry, Bella.” He said, more of trying to convince himself. Umiling iling ako dahil pareho naming alam na imposible iyon. Imposibleng hindi ako magalala.
“A-Anong nangyari?” Napatulala ako sa kawalan
“He forgot his gift for you, he has been sketching something for you. Naiwan niya yon sa condo niya, and he was afraid na baka malate siya sa kasal niyong dalawa. Sabi ko ako na lang ang kukuha pero ayaw niyang ipahawak sa akin iyon. Kaya nagmadali siyang umuwi. A truck—“ he paused and sobbed “—lost control.”
Lumakas ang hikbi ko, I raised my hand para pigilan siya sa pagkwento. I can’t take any more details. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Bakit kailangan pa itong mangyari? Bakit kailangan niya pa yon balikan? SHIT. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin pag nawala sa akin si Esteban. Baka mabaliw na ako. I can’t take it. I just couldn’t.
Dear Esteban,
You won’t leave me right? You love me. Diba tama ako? Please. Please come back.
Sabi mo hindi mo na ako iiwan. Ang daya daya mo talaga kahit kalian! Bakit hindi ka dumating?
BINABASA MO ANG
Our Forgotten Tale [COMPLETED]
RomantikUNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have been long forgotten? What if you start to be unseen, unheard, unremembered by the one you dearly loved...