Ika-Dalawampu't Dalawang Kabanata

8K 173 8
                                    

Ika-Dalawampu't Dalawang Kabanata

Christmas is all about giving

"Hindi pwede, Esteban---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na siya.

"Be there at 11. " Tapos binaba niya ang tawag.

I WAS pacing back and forth sa kusina. Pamaya maya ay lumilingon ako sa labas para tignan kung nandyan na siya. Namamawis na rin ng malamig ang mga kamay ko.

Tinignan ko ang cellphone ko, walang text. Sumulyap din ako sa wallclock. 10:30 na. Ohmyyyyy.

"Hija, ayos ka lang ba? Bakit hindi ka mapakali riyan?" Pagpupuna ni manang na nagaayos na ng table.

"Opo manang. May hinihintay lang po ako." Muli akong tumingin sa wallclock. Tumango lang siya at nagpatuloy sa ginagawa. Nasa sala sila lahat at nagkekwentuhan, hinihintay na lang ang 12midnight. Nagbuntong hininga ako at naupo sa isa sa mga upuan.

Maya maya pa ay may bumusina na sa harap namin. Halos tumakbo na ako sa bintana para tignan kung sino. Napalunok ako nang makita ang Audi ni Esteban. Lumingon ako sa wall clock. 10:38 pa lang ah! Bakit naman masyado siyang excited?!

Dali dali kong nilagpasan si manang at nagtungo sa sala bago iba pa ang magbukas ng pinto. Binuksan ko ito at nakita siya na maraming dala dalang supot. Naka-polo siya at jeans, napakagwapo niyang tignan kahit ano mang suotin. Pinagbuksan ko siya agad.

Nagulat ako nang hinalikan ni Esteban ang pisngi ko. Agad ko naramdaman ang paginit nito. Naamoy ko ang pabango niya at instant na nawala ang kaba ko na ipakilala siya sa pamilya ko. Lumingon ako sa bahay, mabuti na lang hanggang ngayon walang nakakapansin na may bisita. Nagbuntong hininga ako saka siya hinarap.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Aniya habang sinisilip ang loob ng bahay.

"Diba kasi naman sabi ko sa'yo hindi pwede?" Bulong ko habang tinitignan sina mama sa loob.

"Bakit naman hindi?" He furrowed his brows

"K-K-Kasi... Basta hindi pwede!" Iniisip ko pa lang na magkikita sila ni Jessica parang gusto kong doon na lang sa condo niya magpasko.

He raised a brow Ugh, how can I resist this beautiful face. Umirap ako sa kan'ya bago nagkibit balikat.

"Oh siya, halika na. Tss. Basta don't make something illegal." Tinuro turo ko pa siya. Ngumisi siya ng napakalaki bago ako pumihit para magmartsa papasok sa loob. Sinenyasan ko siyang sa labas muna hanggat di ko pa siya tinatawag. Dahan dahan akong naglakad hanggang sala, chinecheck kung okay ba ang mood nila para ipakilala ang napakagwapong lalaking ito.

Nagtatawanan naman sila, si Seth ay nakaakbay kay Jessica. I rolled my eyes.

"Mom, dad, tito, tita, Seth." I purposely did not mention Jessica's name. Agad ko naman nakuha ang atensyon nila.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon