Ika-Tatlumpu't Dalawang Kabanata

8.5K 149 3
                                    

Ika-Tatlumpu't Dalawang Kabanata

Sinukat ko ang gown na kanina ko lang nakuha. Nakakatuwang isipin na ito na 'to. Ito na yung hinihintay ko, yung hinihintay namin.

Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin at ngumiti. Napakaganda talaga ng gown na to.

Naluluhaako sa sobrang saya. Hindi ko maisip kung ano nga bang nagawa ko para maging deserving sa naeexperience ko ngayon. hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya talaga.

Unti-unting bumukas ang pinto sa likod ko at nakita ko si mama sa repleksyon sa salamin.

"nako, anak. Hubarin mo yan dali!" may pagaalal sa boses niya.

"Ha? Bakit ma?" Sinimulan kong ibaba ang zipper ng gown ko.

"Baka hindi matuloy ang kasal niyo."

I rolled my eyes. "Mama naman, hindi yan totoo, ano ka ba. Isa pa, ano pa bang magpipigil sa aming dalawa? Alam mo yan mama."

Ngumiti ako sa kan'ya at tuluyan nang nagbihis. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakakita ng maraming text galing kay Esteban.

From: Esteban

Anong ginagawa ng misis ko?

Napangiti ako. Bago magreply ay binasa ko muna ang iba.

From: Esteban

I miss you

From: Esteban

Bakit kasi hindi tayo pwede magkita ngayon?

From: Esteban

Miss na miss na talaga kita

From: Esteban

Busy ang misis ko?

From: Esteban

Can I call?

Napangiti ako sa kakulitan niya. Nilingon ko si mama na inaayos ang gown ko.

"Ma, magpapahinga na po ako. I need my beauty rest." Ngumiti ako ng maalaki.

"O sige na anak. Wag ka masyadong maexcite ha." Niyakap niya ako "Ang laki na ng baby ko. Noon kinakarga pa lang kita, ngayon may iba ka nang kakargahin."

"Mama naman. Pwedeng kasal na muna?" Humalakhak ako at niyakap siya ng mahigpit. "I love you ma, thank you so much."

She caressed my hair bago kumalas sa yakap. Pinunasan niya ang ilang luha sa mga mata niya bago ako hinalikan sa noo. "I love you too, anak. I love you too."

Bumuntong hininga siya. "Oh siya, bago pa ako tuluyang magdrama dito." Ngumiti siya kahit lumuluha pa rin "Goodnight anak."

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon