Ika Tatlumpu't Limang Kabanata
Nagising ako sa lakas ng katok sa pinto ko. Ngayon na lang ako natulog dito sa bahay. Kung hindi sa ospital, sa condo ni Esteban ako natutulog. Ngayon na lang din ako medyo nagkaroon ng maayos na tulog. Kinusot ko ang mata ko habang binuksan ang pinto. Si mama.
“Anak, nagising na raw siya.”
Pagkarinig ko pa lang nito ay para akong binuhusan ng malamig ng tubig. Gising na gising na ako.
“P-Po ma?” Muli ko na naman naramdaman ang mainit na likido sa dulo ng mga mata ko. Hindi na ata napapagod ang mata ko sa pagproduce ng luha.
“Bilisan mo anak, pupuntahan natin siya.”
Wala akong inaksayang oras, naligo ako at nagtoothbrush. Sinuot ko ang pinakamaganda kong damit at naglagay ng pulbo. Ano kayang magiging reaksyon niya? Naku, baka magalit yun sa akin at hindi ako ang una niyang nakita. Dapat pala hindi na lang ako pumayag umuwi.
Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi ko bago ngumiti sa repleksyon ko sa salamin. Sa wakas, makikita ko na ulit siya, mayayakap, mahahagkan.
Matutuloy na ang kasal namin.
Kinuha ko ang music box ko na nagsilbing lakas ng loob ko at lumabas sa kwarto. Hinihintay ako nina mama sa baba, nginitian nila ako. Yung ngiting masaya, ngayon na lang ako muli nakakita ng ngiting ganito. Niyakap ko siya sa galak at sabik at dali daling lumabas. Sinamahan nila ako papuntang ospital, and that ride was the longest ride of my life kahit 15 minutes lang naman ito.
Tinakbo ko papuntang elevator, papunta sa room niya. Bumuntong hininga ako bago pinihit ang knob. Nakaramdam na naman ako ng mabilis na pagtibok ng puso ko, parang bigla siyang nabuhay. Yung mga paru paro sa tyan ko bigla na naming nagkasiyahan. Ganitong ganito ang pakiramdam ko noong una, noong nagsisimula pa lang kami hanggang ngayon. Ngumiti ako bago binuksan ang pinto.
Lahat sila narito. Si mommy, daddy, Seth, at Jessica. Si mama at papa ay nasa likod ko. Their face showed me different emotions, para bang hindi sila masaya. Kumunot ang nook o at napalitan ng kaba ang naramdaman ko.
Lumapit ako kay Esteban. I smiled at him widely. Agad akong nagisip ng sasabihin. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot akong baka mabiyak ko ang buto niya sa sobrang pagkamiss ko sa kan’ya.
“Hi,” Lumunok ako habang pinagmamasdan ang nakakunot-noo niyang mukha. Nakakatuwa. Ang tagal ko itong hindi nakita. Sobrang tagal. Naguunahan ang paglabas ng luha ko sa mga mata ko. Nanigas ang katawan ko sa kinatatayuan ko.
“Hi.” He replied casually at tinignan ng makahulugan si Jessica. Tumingin lang sa akin si Jessica. Hindi ko maintindihan ang mga mukha nila, bakit hindi sila masaya?
Ikinibit balikat ko na lang ito at agad niyakap si Esteban. Nanigas siya sa pagkakahiga. Napangisi ako, namiss ko ang ganitong reaksyon ng katawan niya.
“Namiss kita.” Pumiyok ako. “Miss na miss.”
The happiness I’m experiencing is very unexplainable. Mas masaya pa ito sa unang araw na magkakilala kami, sa araw na umamin siya sa akin. Parang nawala lahat ng sakit, ng paghihintay ng magkadikit muli ang balat namin.
Nang marealize kong wala ni isa ang nagsasalita ay kumalas ako sa yakap. Nalaglag ang panga ko nang makita ang kamay ni Esteban na nakahawak sa kamay ni Jessica. Lalong dumami ang luha na tumutulo mula sa mga mata ko. I looked at Jessica with confusion, nagkibit balikat siya, still in a worried expression. Sunod kong nilingon si Seth na napayuko na lang.
Ngumisi ako, this is a joke right? It should be.
“E-Esteban?” Pinunasan ko ang luha ko and tried to smile. “A-andito na ako oh. Hindi k aba masaya?”
Nilingon niya si Jessica at kitang kita ko ang paghigpit ng hawak sa kamay niya.
“Jessica, babe. Sino siya?”
Dear Esteban,
Sabi ng doktor mayroon ka raw anterogade amnesia. Hindi ko naintindihan basta nakalimutan mo raw ang mga kamakailang pangyayari. Kaya para sa'yo, kayo pa rin ni Jessica.
Ang masaklap pa, hindi ka na makakaalala ng kahit anong mangyayari. Hindi na kaya ng utak mo na magimbak ng mga alaala. Hindi mo na matatandaan kinabukasan ang nangyari sa'yo kahapon. Kaya kahit gumawa tayo ng panibagong alaala ay wala itong saysay. Kahit anong gawin ko, hindi mo na ako matatandaan
Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan ganon? bakit kailangan mangyari sa atin ito?
Kahit kalian napakadaya mo talaga no? Bakit ka gan’yan? Nagising ka nga pero hindi mo naman ako maalala. Hindi mo ako matandaan.
BINABASA MO ANG
Our Forgotten Tale [COMPLETED]
RomanceUNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have been long forgotten? What if you start to be unseen, unheard, unremembered by the one you dearly loved...