Ikasampung Kabanata

10.1K 228 8
                                    

Ikasampung Kabanata

Bed Scene

"Take my car, Bella." Tugon ni Seth habang karga karga ang tulog na si Jessica. "Just make sure uuwi ka ng diretso. Tatawagan ko si tita after 30 minutes.

"Paano si Jessica?"

"Ako na bahala sa kan'ya. Itong kotse niya ang gagamitin ko. Delikado kapag iniwan ko 'to rito." Kinuha ko mula sa bag ni Jessica ang remote at susi para sa kotse niya at binigay ito kay Seth. He, in exchange, gave his keys to me.

"So, you and Jessica were...?" I raised a brow at him kahit hindi naman niya nakikita.

"Friends." He said casually.

"Whatever Seth. You're so unfair. Pag dating sa'yo secret lahat, pero alam na alam mo ang lahat sa akin." Nakita ko na ang sasakyan ni Seth na nakaparada katabi ng sasakyan ni Jessica. Agad niya dito ipinasok si Jessica at muli akong hinarap.

"I repeat, I want you home by 30 minutes." He said bago pumihit papuntang driver's seat. Nagbuntong hininga ako at binuksan na rin ang sasakyan ni Seth. Nagpatugtog na muna ako sa iPod niyang nakasaksak sa speakers at nagsimulang magdrive paalis.

Kung ex-lovers si Seth at Jessica, at ex ni Jessica si Esteban, at 2 years na sila... Does it mean pinagsabay silang dalawa ni Jessica? Yun ba yung 'single mistake' na sinasabi ni Jessica? Kung ako naman talaga si Esteban hihiwalayan ko na si Jessica kapag nalaman kong may kasabay ako. But it still doesn't make sense. Ipinagkibit balikat ko na lang ito. I'm so tired, lalo na sa pumps na ito.

Nang makauwi ako sa bahay ay 1:00 AM na. I'm so tired na hindi ko na nagawang maghilamos. Binuksan ko lang ang aircon ng kwarto, humiga sa kama, at nagsimula nang matulog.

"SHIT!" Kahit antok na antok na ako ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig na nakita. Agad bumilis ang pintig ng puso ko. Damn, I missed it!

From: Esteban

Hi Bella.

Agad kong tinignan ang details.

Sent: 12:09 AM

Kanina lang 'tong madaling araw! I've been waiting for a week why just now? Grabeng panghihinayang at saya ang naramdaman ko. Agad ako umupo sa kama at nagsimulang magtype.

To: Esteban

Good morning, Esteban :)

Nag-roll over muna ako sa kama habang naghihintay ng message. 10AM na, imposibleng tulog pa siya. Ang alam ko ay may training pa sila kaya siguradong gising na siya! The anticipation is killing me! Nakatatlong roll over na akong pabalik balik ay wala pa rin siyang reply. Maliligo na nga muna ako.

Natapos na akong maligo ay wala pa ring text. Nakapagalmusal na rin ako, pero wala pa rin talaga. Ang ending non ay natapos ang buong sabado na wala man lang akong natanggap na text.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon