Ika-Tatlumpu't Anim na Kabanata

7.2K 151 1
                                    

Ika-Tatlumpu't Anim na Kabanata

“Kailangan mo na mai-confine, hija.” Tugon ng doktor.

“Dok, w-wala na po ba kayong mas malakas na painkiller? Handa po akong magbayad kahit magkano. Hindi po ako pwede magpaconfine. Not now.” I begged, my tears found its way down my cheeks.

“Pasensya na hija, yun na ang pinakamalakas na painkiller.”

Umiling iling ako at napahawak sa ulo kong nagsisimula na naming sumakit. Tumayo ako at tinalikuran siya, tinawag niya pa ako pero hindi ako lumingon. Napapikit na lang ako sa sakit ng ulo ko, hindi pwede. Hindi ako pwede maconfine. Hindi ko na madadalaw si Esteban, hindi ko na siya makekwentuhan, kung gaano kami kasaya noon. Kung paano niya ako tinuruan mangabayo, kung paano niya ako inangkin. Hindi pwede. Magpapakasal pa nga kami diba?

Hinawakan ko ng mahigpit ang singsing sa kamay ko. Yung engagement ring namin, and it all flashed back in my mind. How he proposed to me, how he begged me to be his wife. What happened? Bakit sa isang iglap nawala na lang ang lahat?

Dali dali akong pumunta sa elevator kahit na sobrang sakit na ng ulo ko.

Salamat naman at nakaabot pa ako sa room niya. Binuksan ko ito at nakita siyang nakahiga, nanunuod ng TV. Agad siyang napalingon sa akin.

“Sino ka?” Muling tanong ni Esteban sa akin. Pang ilang beses na ba niya ito tinanong simula nang magising siya? Hindi ko na alam, pakiramdam ko nga namamanhid na lang ako tuwing tinatanong niya ito.

“Ikaw talaga, hindi mo na naman ako kilala. Ako si Bella, Esteban.” Ngumiti ako sa kan’ya at dahan dahang umupo sa tabing upuan “Araw araw kitang dinadalaw dito, kinekwentuhan. Hindi mo man ako maalala, ayos lang basta araw araw kitang nabibisita.”

Kumunot ang noo niya.

“Pero mukhang huling dalaw ko na ito sa’yo ngayon.” Tumulo ang luha ko. Pakiramdam ko paulit ulit binabasag ang puso ko.

“Bakit?” He asked, clueless.

Umiling lang ako. May tanan na ang buhay ko, isang buwan. Hinang hina na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Gustuhin ko mang maging malakas, gustuhin ko mang lumaban para sa amin, hindi na kaya ng katawan ko. Hindi ko na alam paano ito sasabihin pa sa kan’ya, o hindi ko na lang sasabihin. Hindi naman niya maaalala at mukhang wala naman siyang pakialam kung mamatay man ako kinabukasan.

Umupo ako sa upuan sa katabi ng kama niya. Dahan dahan din siyang bumangon para umupo.

Kinuha ko ang diary ko at muling sinimulan ang araw araw kong ikinekwento sa kan’ya. Nagulat ako nang hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang ulo ko. Napaiyak ako ng napakalakas nang makita ang mga mata niya. Parang unti unting sinasaksak ang puso ko habang tinititigan siya. Pinunasan niya ang mga luha ko, namiss ko itong kuryenteng dumadaloy sa ugat ko ngayon. Namiss ko ito, sana namiss din niya. Sana, mamimiss din niya. Kahit alam kong imposibleng mangyari ito.

“Hindi kita kilala, pero sabi nito,” itinuro niya ang dibdib niya “mahal daw kita.”

Lalong lumakas ang hikbi ko.

“Pasensya ka na kung nahihirapan ka dahil sa akin.”

Napayakap ako sa kan’ya, niyakap niya ako pabalik.

“Wala akong pakialam kung hanggang kalian ako mahihirapan, basta makita kita araw araw. Esteban. Mahal na mahal kita.”

Naramdaman ko ang pagamoy niya sa buhok ko, just like old times. Just like how he did when everything was okay. He caressed it at sa kaunting minutong iyon ay naramdaman ko ang totoong nararamdaman niya para sa akin.

“Mahal na mahal din kita.”

Ipinakita ko sa kan’ya ang music box ko. “Kita mo ba to? Tayo to oh. Alam mo bang binigay mo pa ito sa akin nung pasko? Nakakatuwa nga eh. Nagtatampo ako sa’yo non.”

Humalakhak siya, namiss ko ang side ni Esteban na ganito, carefree. Parang walang problema.

“E-esteban,” Yumuko ako at niyakap siya “Aalis na ako. Magpapakabait ka ha? Hayaan mo, ipagdadasal kong wag mo na ako maalala, para hindi mo na maramdaman ang sakit.”

Ang bigat. Ang bigat bigat sa dibdib sabihin ito sa kan’ya. Ang bigat na sa akin pa ito manggaling, dahil ako mismo ayokong makalimutan niya ako. Mahal na mahal ko siya, sapat na ito para palayain siya.

“Saan ka pupunta?”

Kumalas ako sa yakap. Nakita kong umiiyak na rin siya. Ngumiti ako sa kan’ya, ngiting malungkot. “Basta masaya yung pupuntahan ko. Sasaya ako roon.”

“Iiwan mo na ako?”

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa narinig ko. Hindi. Ayoko. Umiling ako ng mahina. “Hindi, basta alam natin parehong andito pa rin ako diba?” Tinuro ko ang puso niya.

“Wag ka nang umalis.”

Ang hirap, ipit na ipit na ako. Pagod na pagod na ako. Takot na takot. Ni hindi ko naimagine na kaya ko palang tiisin ang lahat ng sakit. Ganun pala yun no? Kapag nakakahanap ka ng kaunting kasiyahan sa ginagawa mo, kahit sampung beses naman ang sakit na dinudulot nito pabalik, ay magiging handa ka. Basta maramdaman mo ang kaunting saya, kahit gaano pa yan kakonti.

“Bella.”

Nanlabo ang mga mata ko, hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Pinilit kong hindi pumikit.

“Bella? Bella!”

Pati pandinig ko lumabo na, until everything came into a blur.

Dear Esteban,

Gusto pa kitang kwentuhan araw-araw. Gusto pa kitang makita araw-araw.

Pero hindi ko alam kung hanggang kalian ko pa kakayanin. Hindi ko alam kung mahihintay ko pa ang muling pagbalik mo sa akin. Bilisan mo naman, hirap na hirap na ako. Ang sakit sakit na.

I miss you. So much. If only you know how it hurts seeing you happy with her, seeing the confusion in your eyes when you look at me, the unfamiliarity. It’s killing me.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon