Ikalawang Kabanata

14.5K 309 15
                                    

Ikalawang Kabanata: Glad to see you here

Naginit ang pisngi ko sa di malamang rason nang humarap siya sa akin, still with that unreadable eyes. Napalunok ako, it’s like I’m stuck in this moment. Inuutusan na ng utak ko ang mata ko na alisin ang tingin, pero parang may sarili nang sinusunod ang mga mata ko. Kahit siya sinasamba na ang lalaking ito.

“Shit saying! Muntik na! 2 ako! Sayang talaga!” I was back to reality nang narinig ko ang nanginginig na boses ng katabi ko. Saka ko lang natanggal ang mata ko sa kan’ya. Tinignan ko ang katabi ko. Maluha luha pa siya. OA ha? Ganon na ba epekto ng lalaking yon?

“Ang gwapo talaga ni Esteban. Hindi nakakasawa.” Sabi pa ng babaeng kausap naman niya.

“Ate, palit tayo ng number please. Para partner ko si Esteban!” Sabi naman ng babaeng nasa likod ko.

“Nako ate, sa akin ka makipagpalitan. Please!” Sabi naman ng babaeng hindi ko alam kung saan nanggaling.

“Bibigyan kita ng 1,000 just please!”

Nanlaki ang mata ko sa dami ng babaeng gusto makipagpalitan sa akin. Yung iba ay maluha luha na kakapilit sa akin. Seriously? Para makapartner si Esteban, 1,000?!

“Please ate!”

Hindi na ako makapagsalita. Nasusuffocate ako sa dami nila. Hindi na rin ako makapag-isip, because holy shit, gusto ko rin siya maging partner!

“What’s the commotion, girls?” Umalingawngaw sa classroom ang malaki at maawtoridad na boses ng prof namin kaya naman bumalik na ang mga babae sa mga upuan nila. Hay salamat! Fresh air!

“Ate, palit na tayo ha.” Bulong ng katabi ko.

Nagisip ako. Gusto ko siya maging partner pero ayoko ng issue.

“Okay.” Sagot ko. Mas okay na ‘to. Note to self: I came here to study, hindi para makipaglandian.

“Okay number 1 please stand up.” Sambit ni sir. Agad na tumayo ang katabi ko and I swear she was shaking nervously habang binigyan ng sulyap si Esteban. She was red as a tomato! It was not just me.

“Oh, hindi naman ikaw yung number 1 kanina?” Tinitigan ako ni Sir “Diba ikaw yun, Miss…?”

I mentally facepalm. Oo nga pala, dapat nakipagpalit na muna ako ng upuan. Of course nasa pinakadulo dapat ang number one. But in the bottom, unused part of my brain, I felt happiness. Weird.

“But sir, we both agreed—“ Pagpipilit ng katabi ko pero hindi na siya pinatapos pa sa sasabihin niya

“No. Kung ano yung original numbering, yon ang susundin natin.” Binalik niya muli ang tingin niya sa akin. “Please stand up, Miss….?”

“Montenegro po.” Sagot ko sabay tayo. I gave my seatmate an apologetic look.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon