Ikaanim na kabanata

10.8K 284 10
                                    

Ikaanim na Kabanata

Women and Red Days

Talk about malas. Dinatnan pa ako ng period ko ngayon talaga! Badtrip! Sobra pa man din ako maasar kapag meron ako. Buti na lang girlscout ako at may dala akong napkin.

           

At mabuti na lang talaga at ito yung baby bra na ginagamit ng mga 14-16 years old, kaya may foam pa rin naman ito kahit napakaliit. Wala rin itong underwire. Kaya ang kinalabasan? SOBRANG SIKIP SA AKIN. Tss. Lalakeng ‘to, hindi marunong pumili.

Naligo pa siya, at kumain pa kami. Kaya naman alas dos na kami nakalabas ng bahay nila. Nagtricycle kami papunta sa isang sobrang lawak na plantation ng pinya, mais at kung anu-ano pa. Sa gilid naman ay may mga malalaking factory. Sana lang hindi ako magkasunburn sa ginagawa kong ‘to.

           

Sinulyapan ko si Esteban na ngayon ay naka Rayban aviator shades. Parang Hollywood star lang.

           

“Sir Taffy!” Dali daling lumapit sa amin ang isang parang 16 years old na babae kahit hirap na hirap siyang tumakbo papunta sa amin dahil sa putik. Nakafarmer’s hat siya at mukhang nagtatanim sila ng pinya. Punong puno ng putik ang kamay at damit niya. Maliit ito at maiksi ang buhok. Morena siguro ay dahil sa araw-araw na pamamalagi sa plantation nila.

           

Hinubad ni Esteban ang sunglasses at nginitian ang dalaga ng tipid. Hmp. Sa akin lang ba talaga siya nahahighblood?

           

“Hi Karen.”

           

Agad pumula ang pisngi ng babae. She likes him! Nakakainis! Bakit nginingitian niya to ng effortless samantalang ako kailangan ko muna ipagdasal bago siya makitang ngumiti. And mind you, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng babae.  Kakainis!

           

“Sir, kailan pa po kayo dumating?”

           

“Kanina lang. Biglaan eh.”


Tss. Hello? I’m here po. Tumikhim ako dahilan para sa wakas ay mapansin ako ng dalawang ito. Agad sumimangot si Esteban. I raised my brows. Ano na naman ba?


“Si Bella nga pala. Kaklase ko. Bella, si Karen, anak ng isa sa mga magsasaka namin.”


“Hi!” I said with my sweetest smile. Ngumiti lang ito ng tipid saka binalik ang tingin kay Esteban. Para bang deadma lang. Umirap na ako.


“Sir, halika po. Ayun sina papa.” Tinuro niya ang mga magsasaka na nakatingin sa amin at agad na kumaway. Kumaway pabalik si Esteban.


“Karen, nagmamadali kasi kami. Kailangan namin makauwi bago lumubog ang araw.”


Nagpout ang babae. Ke bata bata pa ang galing na lumandi. Humalukipkip ako at tinitigan silang naguusap. Ang init na ha! “Ganon po ba. Sige po sir Taff. Babalik na po ako.”


Mabuti pa nga.


“Kung gusto mo Karen, sumama ka na lang muna sa amin.”


Napalingon ako kay Esteban. What? Isasama niya ‘to sa amin? Yun na yata ang pinakamahabang sentence na narinig ko mula kay Esteban. Pero bakit? Bakit niya isasama? At bakit ako nangingialam? Namumuro na naman ang pagkakaroon ko ng red day ah.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon