Ikasiyam na Kabanata

10K 231 4
                                    

Ikasiyam na Kabanata

 Let's Go Home

Itinaas ko ang librong hawak ko para takpan ang mukha ko, pero pamaya-maya ay sumusulyap pa rin ako para makita kung ano ang ginagawa niya. Nagmumukha na akong stalker sa ginagawa ko, pero what can I do? Mababaliw na ako kakaisip! Isang linggo na ang nakalipas, naipaedit ko na rin ang documentary and naipass ko na kanina. Kaya wala na akong rason para makausap siya.

Inayos ko ang eyeglass na wala namang grado, wala lang. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na pangdisguise kasi nakikilala pa rin naman ako.

Tinitigan ko muli si Esteban na natutulog ngayon sa isang desk dito sa library.

"Bella!"

Halos mapatalon ako ng takpan ng isang chinitang babae ang view. Si Jessica. Jessica Tan. Nabitawan ko ang libro dahilan para mahulog ito. Dapat hindi niya makita na tinititigan ko si Esteban. Baka isipin pa niya may gusto ako sa lalaking yon.

"Ano 'yang binabasa mo at parang busyng busy ka?" Ngumiti siya ng napakaganda at pinulot ang librong isang oras ko nang hawak dahil isang oras ko na rin siyang pinagmamasdan matulog.

" 'Tips to Dating' " She read the title. Kumunot ang noo ni Jessica sabay lumingon sa akin "Oh my gosh. You're in love?" Halos pabulong pero kinikilig na sabi niya sakin habang nilagay ang magkabilang palad sa pisngi. She's so cute, and so asian.

 In love? Ako? Hah! Never in my 19 years. Of course not! Really? My subconscious raises her brows at me.

"Halika dali dali!" Dali dali siyang tumayo at hinigit ang kamay ko. Nagpatianod na lang ako kaysa makita niya pang tinitignan ko si Esteban at kaysa makita niya pa ang lalakeng yon. Baka maging emosyonal pa si Jessica. Parang nakakakonsensyang paiyakin ang babaeng 'to. She looks so fragile, para bang kapag kurutin mo lang siya ay iiyak na siya.

Rinig na rinig sa library ang tunog ng pumps sa bawat lakad niya. Pamaya maya ay may kumakaway o ngumingiti sa kan'ya. She responds by waving also. Popular.

Pero hindi katulad ni Esteban ay hindi siya intimidating kasama. When you're with her, mararamdaman mo ang openness niya sa'yo. She's approachable and down to earth.

Her hair which is curly on the end waves freely by her back. Blondish ang kulay nito. She's wearing a leather leggings, boho top, and a cardigan. Unang tingin pa lang sa kan'ya, mapaghahalataan mo na kung ilan ang allowance niya kada araw.

"S-Saan tayo pupunta Jessica?" Tanong ko nang lumabas kami sa library.

"Basta! You'll like it. Tara!"

Dire diretso kami hanggang sa carpark. Nilabas niya ang maliit na remote saka tumunog ang isang BMW na kulay pula. Wow. Binuksan niya ang pinto para sa akin saka umikot papuntang driver's seat. Habang ako ay nasa labas pa rin, nakatunganga. I don't even know this girl.

"Uy ano? Tara!" She smiled at me again and started the engine. Wala na akong nagawa kundi pumasok. Ang bango ng loob ng kotse niya. It smells like strawberry.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon