Ika-Tatlumpu't Walong Kabanata

8.2K 159 13
                                    

Ika Tatlumpu't Walong Kabanata

Dear esteban,

I’m sorry. Hindi ko na kaya. Hindi na kita nahintay pa. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal.

 

 

Tinitigan ko ang babaeng nasa isang malaking tarpaulin sa labas. Nakangiti ito ng malaki na para bang siya ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa. Napakaganda niya, mapupulang labi, namumulang pisngi, napakagandang mga mata. Biglang nanikip ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

“Sino siya?” Tanong ko kay Jessica na nasa tabi ko kahit nakasulat naman talaga ang pangalan niya.

“Si Bella, yan yung babaeng inagaw ka sa akin.” Humalakhak siya sa sariling biro pero nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya “Napakabait niyan ni Bella. Hindi ko inakalang makakahanap ka ng tulad niya. I’m sorry, Esteban. I’m really sorry.”

Nilingon niya ako at ngumiti bago ako iniwan para pumasok at makiramay sa mga umiiyak sa loob.

Binasa ko ang nakasulat.

In memory of Bella Kaicey Montenegro. You will forever be missed. 1993-2014

Pinilit kong maglakad papasok kahit napakabigat na ng dibdib ko. Pinagtinginan ako ng lahat at hindi ko alam kung bakit. Dahan dahan kong tinungo ang kabaong sa unahan. Maraming umiiyak, ang ilan ay nakatulala.Pero binigyan nila ako ng daan nang makita ako.

Nahagip ng mata ko si Jessica, nakaakbay si Seth sa kan’ya. Pero ang nakapagtataka ay wala akong naramdamang galit o selos. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Sa gilid ay may nakapicture frame na sketch ng babaeng nasa tarpaulin. Nakakagat ito sa labi, namumula ang pisngi at nakatali ang buhok. Pamilyar ito, pakiramdam ko nakita ko na ang sketch na ito, hindi ko lang alam kung paano.

Bumigat ang paghinga ko nang matanaw ang salaming nakatakip sa isang babae sa likod nito. Sumikip ang dibdib ko. Biglang bumuhos ang luha ko sa hindi malamang rason. Bakit? Hindi ko naman siya kilala.

“Ang ganda niya no,” biglang sabi ng isang babae na kakarating lang sa tabi ko “Napakaganda ng anak ko.” Humagulhol siya sa iyak. “Alam mo bang walang isang araw na hindi ka niya binanggit. Yung pangalan mo. B-bilin niya pa sa akin, wag na wag papatanggalin ang singsing na bigay mo sa kan’ya kapag ililibing na siya.”

Napalingon ako sa kamay niya. Kakaibang bara sa lalamunan ko ang naramdaman ko. Hindi ko alam paano magsasalita, saan kukuha ng lakas ng loob.

“M-Mahal na mahal ka ng anak ko,” Tumawa siya na para bang may inaalala “Natatandaan ko pa noong hindi na siya makapagsulat dahil hindi na kaya ng katawan niya, ako ang pinapasulat niya. Sasabihin niya lang sa akin kahit hirap na siyang magsalita.”

Patuloy ang pagbuhos ng luha ko, at patuloy ang paghagulhol niya sa iyak. Ang daming tanong sa utak ko pero walang lumalabas sa bibig ko.

Bakit? Sino siya?

Wala akong maintindihan.

“Alam ko, hindi mo siya makilala.” Nagpatuloy siya, nakatitig pa rin sa kabaong “At yun ang naging dahilan para lumaban siya sa sakit niya. Gusto niya narito pa rin siya kapag naalala mo na siya. Magagalit ka raw kasi, monster ka pa man din daw kung magalit. Tumatawa pa siya habang sinasabi iyan kahit na patuloy ang luha niya.”

Huminga siya ng malalim bago ako tinitigan muli. “Mas mabuti nang wag mo na siyang maalala, para hindi mo na maramdaman ang sakit na nararamdaman namin.” Tinapik niya ako at inabot sa akin ang isang kahon bago siya bumalik sa inuupuan.

Mali siya, dahil napakasakit ng nararamdaman ko ngayon, at ang masaklap pa ay hindi ko alam kung bakit. Hinaplos ko ang salamin.

 

Dear Bella,

Nakilala na naman kita ngayon. Ngayon ko lang na naman muli naintindihan nang mabasa ko itong diary mo. Alam mo bang nagsusulat ako araw araw dito? Para maalala ko kinabukasan ang nangyari sa akin, sa atin. Pinagpapatuloy ko ang pagsusulat.

Pero ano na nga bang isusulat ko bukas kung hindi na kita makikita pa?

Sabi ni mama dapat hindi na kita matandaan para hindi ko na maramdaman ang sakit. pero mali siya Bella. dahil kahit hindi ka matandaan ng utak ko, kilalang kilala ka ng puso ko.

Araw araw tayo nagkikita pero bakit araw araw din kita dapat kilalanin?

Bakit mo ako iniwan?

Bakit hindi mo hinintay na bumalik ang alaala ko? Hindi naman ako ang madaya. Ikaw ang madaya.

Ang daya daya mo.

Ang sakit sakit.

Wala ka na.

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon