Ika-Dalawampu't Anim Na Kabanata
Someone Deserving
Apat na araw na ang nakalipas at hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip na boss ko na siya. Yes, wala na akong nagawa, as usual. At tignan mo nga naman, nagapply ako bilang bookkeeper, kinuha niya ako bilang secretary. Pero ayos na rin na ako ang magaasikaso sa kan'ya because I am more than willing to do it.
Friday na ngayon pero ngayon pa lang ako papasok sa school. Huling araw na ito ng university week. Tinext ko si Esteban kanina na pumasok na rin para naman magkita na kami, sabi niya susubukan niya. Marami kasi talaga siyang ginagawa sa kompanya, minsan nga nagoovertime na lang ako at hinihintay siya.
Papasok pa lang ako sa school pero agad kong nakita ang matatalim na titig sa akin ng mga tao. As in lahat sila. Ikinibit balikat ko na lang ito.
Palibot sa buong school ang tarpaulin ng picture namin para sa official release ng indie film namin. Oo nga pala, panglimang araw na ang release nito. Tinitigan ko pa ang tarpaulin namin. Magkayakap kaming dalawa rito habang nasa madilim na lugar. Si Adrian ay nasa tabi ko at nakatalikod sa akin. Tanging ilaw sa lampara ang nagbibigay ilaw sa amin dito. Maganda ang pagkakaedit, mukhang professional film na nga eh. Sa itaas ay may nakasulat na pangalan naming tatlo,
Esteban Carlos Flordeliza
Bella Kaicey Montenegro
Adrian Felix Florentino
Sa Direksyon Ni Sapphire Jane Cornelio
Wala namang klase ngayon, napuno lang ng booth ang buong university. Pumunta ako sa AVR para kamustahin ang mga kasama ko. Malayo pa lang ako sa AVR ay kitang kita ko na ang kahabaan ng pila. Umabot pa ito sa cafeteria. REALLY?! Ganito siya ka-in demand? Grabe!
Tinakbo ko na ito at agad ko nakita si Sapphire na busyng busy sa admission. Nang makita niya ako ay iniwan niya muna ang trabaho kay Joseph, isa sa cameraman namin.
"Bella! Buti nakarating ka. Nung isang araw pa kita hinihintay," Excited na tugon ni Sapphire "Alam mo bang simula monday, standing lahat ang show? Grabe! Itong linyang to ngayon, kaunti pa yan kumpara noong unang araw! Thanks talaga sa inyong dalawa ha."
Ngumiti ako ng hilaw. Hindi naman ito dahil sa akin, dahil ito kay Esteban. Napangiwi ako nang nagsitilian ang nasa loob ng AVR. Hindi naman horror ang pinapanuod nila ah? Grabe makatili!
"Ang gwapo mo talaga Estebaaaaaan!" Narinig ko pa mula sa loob. Kahit image niya lang ang nakikita, sinasamba pa rin siya.
"Asan si Esteban?" Muling tanong ni Sapphire "Panuorin natin yung film pagkatapos ng pila. Hindi ko pa rin kasi napapanuod."
"Sige, itetext ko na siya. Pero habang wala pa, tutulong muna ako sa pagaasikaso rito." Tinignan ko ang pila. Halos lahat babae, pero may mga lalake rin. Kung hindi bading ay sinasamahan nila ang girlfriend nila manuod. Napakainit pa man din pero nagtitiis sila sa pagpila. Hindi kapani-paniwala.
"A-Ate," Lumapit sa akin ang isang babaeng sa tingin ko ay freshman "Ikaw po yung nasa tarpaulin diba?" Itinuro niya pa ang tarpaulin sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
Our Forgotten Tale [COMPLETED]
RomanceUNEDITED What if yesterday started to belong in the past... In a blurry memory... A dream? What if all you've gained, all you've fought for have been long forgotten? What if you start to be unseen, unheard, unremembered by the one you dearly loved...