Ika-Labing Anim na Kabanata

9.2K 228 8
                                    

Ika-Labing Anim na Kabanata

In love with me

We stayed that way for like 5 minutes. Nobody talked, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng hininga niya. Hindi ko alam kung paano iaabsorb ang mga nangyayari. Yesterday we were just, uhm... Friends. I used to look at him from afar. Ang hirap lang talagang ilagay sa kokote ko ang lahat.

"Huy lovebirds! Tara na!" Sigaw ni Sapphire mula sa likod "May taping pa tayo."

Namula ang pisngi ko. Love birds?

Agad inikot ni Esteban si Kelly pabalik sa kulungan ng mga kabayo. Nakita ko silang lahat na prepared na. Nakababa na sila sa kani-kanilang mga kabayo. Ganon ba ko ka-occupied para hindi man lang 'yon mapansin?

Bumaba kami ni Esteban. Inalalayan niya ako sa pagbaba pero nawalan ako ng lakas ng loob kausapin siya, kahit man lang pasalamatan siya sa pagalalay. Tumakbo ako papunta kina Joanna.

"Uy, LQ." Asar sa akin ni Denisse. Ngumisi lang ako dahil nagwawala na talaga ang katawang lupa ko. Gusto ko na lang siya iwasan dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko hindi totoo, pakiramdam ko nananaginip lang ako.

"Smile." Sabi ni Alexa habang nilalagyan ako ng blush on. Ngayon na ang last scene kaya naman pinaghahandaan na talaga namin. Andito kami ngayon sa isa sa mga resthouse ng Flordeliza Resort. Yung ibang babae ay nilalagyan na rin ng make-up. Kasal ni Lorna at Paulo ngayon. Isang beach wedding. Napabuntong hininga ako nang binigay sa akin ang isang salamin. Nilagay ang flower crown sa ulo ko.

Ang galing talaga magmake-up nitong si Alexa. Ikinulot niya ang buhok ko at itinali na parang kay Elsa sa Frozen. Ayan, mukha na akong tao.

Maya-maya pa ay nilabas niya mula sa cabinet ang puting cocktail dress. Maganda ito at medyo mahaba sa likod. Tube ang style, backless, at may malaking puting ribbon sa likod. Sayang nga at mamamantsahan lang ito mamaya.

Kinuha ko ito at nagbihis sa CR. Pagkalabas ko ay nakamake-up at nakasuot na rin ng dress ang mga co-actress. Sila ang bridesmaid. Unlike my make-up, light lang ang sa kanila. Parang everyday look lang. Ang buhok nila ay kinulot lang sa ibaba. Lahat sila ay naka sky blue na dress.

"Ganda ganda ng ikakasal. Lalo sa'yo nyan ma-iin love si Esteban." Sabi ni Blair.

Hindi ko alam kung alam ba talaga nilang nagconfess sa akin si Esteban o talagang obvious na noon pa man na may gusto siya sa akin at ako na lang ang hindi nakakakita. Umiling ako dahil pakiramdam ko napaparanoid ako. Hinintay lang namin ang hapon bago kami nagsimula. Kinukuha kasi namin ang ambiance ng sunset afternoon.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa bulaklak, inaayos ni Alexa sa likod ko ang belo kong napakahaba. Tinitigan ko si Esteban na nakangiti sa dulo ng aisle, nakaputing tuxedo. Lalo siyang gumwapo. He looks like a responsible man already. Tinitigan ko rin ang mga tao sa gilid. Kumuha kami ng ilang extra para sa scene ne ito. Pinaghandaan talaga ni Sapphire, parang totoong kasal. May mga bulaklak na nakapalibot, may wooden table sa unahan, si Drew na nakapang-pari ang suot, at may petals sa dadaanan ko. Napalunok ako. Bakit ako kinakabahan?

Our Forgotten Tale [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon