"Pag-ibig na di inasahan"
Nais ko lang talagang malaman
Kung bakit sa lahat ng nilalang
Ikaw ang nag-iisang tao
Na minahal ko ng todoHindi ko naman makontrol
Damdamin kong nagkabuhol-buhol
Kung totoo talaga ito
Na puso ko'y para sayoDi ko kasalanan na minahal kita
Siguro nadala lang ako sa salita
Na nagmula sa iyong pagwika
Pero pasensya dahil sinisinta kita talagaSiguro hanggang dito nalang
Ang pagmamahal kong ito,
Na sinubok ng panahon
Lumubog sa damdamin at di na umahonPero salamat dahil ngayon,
Unti-unti kitang kakalimutan
Hanggang mapunta sa kawalan
Ang pag-ibig kong di inasahan.-For her ❤
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...