Poem 72

273 4 0
                                    

"Ang damdaming ito sinta"

Nang ika'y makita sa gitna ng mga tao,
Sa'yo lang nakatuon ang aking mata't puso.
Di mapaliwanag ang katotohanang di makita,
Kung bakit ganito ang nararamdaman sa'yo sinta.

Suot ang matamis mong ngiti,
Ikaw lang ang tanging nakikita sa nakakarami.
Di maipaliwanag ang musika ng aking puso,
Ramdam ang sayaw ng emosyong ito para sa'yo.

Paglabas sa silid ng aking  pinapasukan,
Pagpunta sa aking paboritong tambayan,
Nariyan ka mula sa di kalayuan,
Kitang-kita ang iyong nakakasilaw na kagandahan.

Tinitingnan ka mula sa malayo,
Parang baliw na nakangiti ako.
Pano ko ba maipapaliwanag ito,
Itatago nalang ba ang damdaming ito?

Pababa ng hagdan sa'yo ang tingin,
Mula sa paglisan nagnakaw pa 'ko ng tingin.
O anong saya ang makita ka sinta,
Pero nakakalungkot lang dahil sayo'y wala akong halaga.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon