Poem 105

333 1 0
                                    


PAGMAMAHAL NA WALANG HANGGAN


Ako, ako lang naman ang taong labis kang minahal.

Ako, ako lang naman ang taong mamahalin ka hanggang sa walang hanggan.

Ako, ako lang naman ang taong bubuo sayo.

Boses ko marinig, ikaw aking iniibig.


Tumingin ako sa sa langit, ngiti mo ang aking naisip.

Tumingin ako sa mga ulap, maganda mong mata sakin kumakausap.

Naglalakihang ngiti, walang itong halong pighati.

Nagtatawanang puso, walang bakas ng pagsisisi.


Sa tuwing kasama kita puso ko'y tumatalon sa saya.

Sa tuwing kasama kita gusto ko sa'kin ka mapunta.

Masasayang usapan, walang tigil, walang hangganan.

Masayang mga puso, ito ba'y magpakailan man?


Magkahawak ang kamay, 'di alam ang presensya ng lumbay.

Mayabong na pagmamahalan, pagmamahal na walang hanggan.

Walang sakit sa damdamin, walang ibang a-angkin.

Mahal ang isa't isa, walang bibitiw sa mangyari ay ano man.


Ang mga pangakong sinabi, tuluyan nang binitawan.

Walang tigil sa pagpatak, mga luhang sakit ang sangkap.

Tuluyan nang nawala, ang ngiting di mawala-wala.

Ito na ba ang katapusan, pag-ibig mawala ng tuluyan?


Nasa sulok ng bahay, walang gumagabay

Nawasak na puso, pano kaya muling mabuo

Tuluyang nilamon, ang pusong di na kayang umahon

Sa pagkalunod sa lungkot, at pati na rin ng galit at puot.


Nawasak na ang puso, nawasak ang pagkatao.

Ito na ang katapusan, ng pagmamahal na walang hanggan.

Bakit tayo umabot sa puntong ito.

Bakit tayo umabot sa pagkakataong ito.


Anong nangyari sa masasayang araw.

Anong nangyari sa tawanan na akala natin ay walang hanggan.

Inibig kita ng totoo, pero sa huli iiwan mo rin lang pala ako.

Minahal kita ng husto, pero ang puso ko ay winasak mo ng todo.


Pinasaya mo ako ng ilang buwan, sa huli ako lamang at iyong iiwan.

Paano na ang pagmamahal na walang hanggan?

Ang sakit lang kasi, nangyari ang di inasahan.

Ako'y itong iniwan.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon