Poem 37

513 5 0
                                    


"Damdamin"

Madilim na kalangitan

Dala ng pusong kadiliman

Mga hinanakit ng damdamin

Hanggang kailan makikimkim


Parang hangin ang presensya

Di mawari kung may paki ba siya

Palaging naiiwan

Walang nangingialam


Tatanungin ng lupa

Kung galit mo'y humupa

Nagliliyab na luha

Kasiyahan kinuha


Palagi nalang ganito

Ika'y laging wala sa modo

Magkadikit na kilay

Galit at inis nakikita sa husay


Magiging maayos pa kaya

Itong damdaming giniba

Pusong biniyak

Maayos pa kaya kung tiyak?


PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon