Modernong Maria ClaraSiya ay isang dilag na ubod ng ganda
Suot ang matingkad niyang filipiñana
Babad sa kulay ng ginto at diamante
Tunay ngang siya ay nakakabighaniSa paglipas ng mahabang panahon
Naging moderno na ang bawat taon
Nagbago na ang bansang sinilangan
Pati na ang mga taong naroonMapupulang labi dahil sa tinta
Ang mala-rosas na pisngi nila
Ang kanilang magagandang ngiti
Ay tinatabunan ng bakal na hapdiAng dating pananamit na konserbatibo
Ay labis na nag bago at naging moderno
Makikita mo ang kanilang pagbabago,
Sa tinatawag nilang Intagram at Facebook.Marami na ngang nagbago sa bansang ito
Pero hindi mawawala ang pusong Pilipino
Naging moderno man si Maria Clara
Iibigin parin siya ni modernong Crisostomo Ibarra
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...