Poem 92

228 4 0
                                    

Flavors of Summer

Sa mahigit sampung buwan sa eskwelahan
Kaharap lamang ay pisara nakaupo sa upuan
Nakakatamad ang pumasok araw-araw dito
Pero may panahong pinakakahintay tayo

Pagkatapos ng impyerno sa silid aralan
Papasok ang panahon ng katamaran
Paboritong panahon mga estudyante
Bakasyon ang inaasam-asam

Di man natin napapansin
Di man natin minsan ay naiisip
Pero may iba't ibang lasa ang bakasyon
At hahatiin ko ito sa aking alalaman

Unang-una ay panahon ng pagpapatuli
Mga lalaking humihiga at napapapikit
May ibang umiiyak dahil sa sakit
May iba na matapang at di nagpapahuli

Ikalawa ang mga naglalaro ng ML
Buong maghapon nakaharap sa smartphone
"You have been slain" ang lumabas sa screen
Napamura ka ng todo sabay sabi ng "bobo!"

Ikatlo ang mga pag-asa ng bayan
Nagtra-trabaho para kumita ng pera
Kahit saang trabaho ay babantayan
Para may kita pagdating ng pasukan

Ikaapat ang mga buhay marangya
Buong araw sa bahay nakahilata 
Nakaharap sa asawang smartphone
Hindi naghihiwalay sa kabit niyang charger at earphones

Apat lang ang aking ibinahagi
Pero alam ko ay napakarami
Hayaan niyo at alam ko
Tamad ka ngayon panahong ito.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon