Poem 27 - Ulan

684 7 0
                                    


"Ulan"

Bakit nga ba bumubuhos ang ulan
Dahil nga ba sa siyensya sabi nila?
O di kaya'y di niya na kaya
Ang nga problemang danas niya

Precipitation ang proseso
Sa pagbuhos ng ulang ito
Pero bakit iba ang batid ng iba?
Lungkot at pighati ang ramdam nila

Sumasabay daw ang emosyon
Sa bawat patak ng ulan sa bubong
Sumisimbolo ng kalungkutan
At bumuhos ng tuluyan

Ang hirap kimkimin lahat
Kahit ano mong tago
Pag-iyak ang nararapat
Para humupa ang damdaming bumugso

Iyak ang sa atin
Ulan ang sa kanya
Pero iisa ang layunin
Mailabas ang kinikimkim

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon