"Katapusan"
Ito na ang katapusan,
Ito na ang hangganan,
Wala ka na maaasahang tao,
Dahil wala nang naririto.Iniwan at pinabayaan,
Wala na ang dating samahan,
Damdamin ng karahasan,
Sakit ay di malunasan.Tumutulong luha sa aking mata,
Walang papahid sa lungkot ng alon,
Sakit at lungkot ang dala nito,
Purong katotohanan ang hampas nito.Hindi na maibabalik pa ang dati,
Hindi na mababalik ang ngiti,
Winasak na ang pusong totoo,
Giniba na ang pagmamahal na harang nito.Pighati at lungkot ang laman ng puso,
Luha at iyak ang resulta nito,
Kaya mo pa bang tumayo iho?
O tuluyan ka nang babagsak dito?Anong maiitulong ng pag-iyak mo?
Anong magagawa ng pagpatawad mo?
Kung di naman nila maintindihan,
Ang iyong pinaglalaban.Isipin mo ang sarili mo,
Sa sakit na dinanas mo,
Magpakatotoo ka sa sarili mo,
Kung ano ang tunay na kasiyahan mo.Ito na ang katapusan,
Ito na ang hangganan,
Hanggang dito nalang ang kahirapan,
Hanggang dito nalang ang sakin na naranasan.
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...