"Magkaibigang ganito"
Itong tulang ito
Ay alay ko sa mga taong narito,
Buong pusong minahal ako,
Kahit may pagkukulang ako.Hindi man sila perpekto
Pero sila naman ay totoo,
Walang halong biro
Ang pagmamahalang itoNariyan sila sa lahat ng oras
Handang tumulong hindi kumukupas,
Napakaswerte ko o Diyos,
Sa mga taong ito minahal ako ng lubosWalang tigil sa pagtalak,
Kapag ika'y tinotopak
Pag kanilang ginalak
Sigurado tanggap mo ang sapakWalang tigil ang tawanan,
Pati narin ang mga asaran
Minsan nagkakapikonan
Pero tuloy parin ang pagmamahalanHumantong sa awayan
Ang mumunting asaran
Umabot sa pikonan
Di nag-uusap di nagpapansinanNaging ayos ang lahat
Muling umalon ang dagat
Ngumiti na ang langit
Sumayaw na ang hanginAng malamig na samahan
Umiti ang muling nabuhayan,
Bumalik ang saya sa barkada
Hangganan ang titibag sa kanilaMaswerte ang taong may kaibigan ganito,
Dahil sila nagpapakatotoo sayo
Minsan ka nalang magkakaroon nito,
Dahil kaunti nalang silang nabubuhay sa mundo
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...