"Dagat"
Ang langit ay dumilim
Ang dagat ay may tinagong lihim
Ang hangin ay tumahimik
Ang lupa ay hindi umimikKinimkim ng dagat
Ang sinabi ng habagat
Puot at galit
Ang kaniyang hinanakitNamuo ang buhawi
Sa pusong nagsisisi
Ang luhang pinigilan
Bumuhos na ng tuluyanAng sakit na tinago
Ang hapding inako
Ang mumunting pangako
Itinali at sumukoMga panandaliang saya
Na sobra mong ikinasaya
Nawala ng lubusan
Labis na dinamdamMapagkunwaring dagat
Akala ng iba'y maayos
Habagat siya'y niyapos
Pait at galit hindi matataposNagtatagong galit
Nagliliyab na puot
Umaalon ang luha
Nalulunod sa sakitWalang magbabago
Walang titigil
Ito'y tatapos
Sa galit at sakitWalang nakakaalam
Sa iyong nararamdaman
Masindak ka sa dagat
Sa pamamaalam na kaakibatIto na ang huli
Ito na ang katapusan
Ang kanyang naranasan
Mawawala na ng tuluyanBibitaw sa tali
Iiwanan ang sanhi
Mahuhulog sa dagat
Napatunayang hindi sapatSa pagtatapos
Hindi maaayos
Ang tuluyang nawasak
Ang pusong nabiyak
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...