"Chance"
May chance pa kaya itong nararamdaman
Na ito'y iyong pahalagahan
Dahil hindi ko lubos na maisip
Na ako'y mabigyan mo kahit mumunting pag-iisipAng tagal nang tinago
Nitong damdaming bugso
Hindi mawari kung bakit
Ika'y laging nasa isipPero may chance ba ito?
Itong pag-ibig ko sayo
Handang isakripisyo
Buhay man at prinsipyoIkaw ang inspirasyon
Ikaw ang naging determinasyon
Sa pang araw-araw kong buhay
Na ginawa mong makulayPero may chance nga ba?
Na ako'y iyong makilala
O hanggang tingin lang ba
Ang aking makakaya.
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...