"Ga-graduate Ako"
Ga-graduate ako kahit bobo ako
Wala mang laman ang utak ko
Di man ako natuto
Atleast masasabi ko ga-graduate akoWalang tigil sa pagsigaw aming guro ko sakin
Ilang beses na 'kong pinagalitan at pinektusan
Pero okay lang naman sakin
Tarantado naman talaga ako sa kanilang paninginSinubukan kong mag-aral isang gabi
Matapos ang ilang minuto
Sa kakalipat ng pahina ng libro
Antok bigla akong inatakeGa-graduate ako kahit tarantado ako
Basag-ulo man ako para sa mga guro
Bobo man ako para sa mga kaklase ko
Ga-graduate ako dahil gusto koDumating ang finals ng aking eskwelahan
Ni isang katiting wala akong napag-aralan
Pero sobra akong nasiyahan
Katabi ko ang aming top oneDumating ang resulta ng aming examinasyon
Lahat sila nagdiwang sa sobrang kasiyahan
Ako naman ito sa tabi
Pa-chill chill lang na parang ewanDumating ang graduation day namin
At kung su-swertehin ka nga naman
Ga-graduate ako ng naka-toga
At meron ding suot na medalyaMedalyang gawa sa tansan
Top one ang nakalagay sa harapan
Gawa ng mga kaibigan kong ewan
Na ginagawa akong baliw at timangNgayon naka-graduate na ko
Ang dating loko-loko at tarantado
Ngayon ay nakasuot ng polo na may kwelyo
Isa nang ganap na lisensyadong enhinyero
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...