"Binibing ikaw"
Una mo akong nakilala
Sa tulang hindi mo inakala
Binibining hindi akin
Pamagat ng emosyong kinikimkim
Ang tanging layunin
Ng itong lathalain
Ay maipahayag sayo
Ang aking huling hiling
Sa daming babae sa mundo
Nagsilbi kang inspirasyon
Sa napakaraming tula ko
Puno ng emosyon, puno ng buhay
Napapangiti nga ako
Sa tuwing sinusulat ko ito
Ang huling tula na inaalay ko
Sa binibining bumabasa nito ngayon
Inspirasyon sa mga tula
Na nagmula sa sariling diwa
Ipahayag ang damdamin
Na pilit na kinikimkim
Umabot sa sukdulan
Itong aking nararamdaman
Pero itong huling paalam
Ay para sa katapusan ng nararamdaman
Nagpapasalamat sayo
Ang puso kong ito
Dahil kahit papano'y
Nakilala ka nito
Hindi mo man ako noon mapansin
Nagpapasalamat ako dahil,
Nabasa mo ang tulang marahil
Nagdulot sayo ng hiyang lihim
Hanggang dito na lang
Itong aking nararamdaman,
Pero ito ang tatandaan mo ngayong araw,
Naging inspirasyon kita binibining ikaw
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...