"Sila"
Pagod na pagod na ang iyong puso
Walang ibang nararamdaman kundi puot
May kasama ring sakit at lungkot
Kailan titigil iyong bangungot?Pag gising sa umaga puso'y may kaba
Tibok nito'y puro takot at pangamba
Natatakot na isang araw ay mawala
Ang mga taong iyong kasamaBangungot nga ba o katotohanan
Itong mga kaibigan mo na nasa tabi mo
Hanggang kailan sila nariyan
Hanggang kailan mo sila maasahanDarating sa punto ng buhay mo
Malaking porsyento sila'y bibitwi sa'yo
Hindi ka na nila gustong makasama
O wala na sila sayong ganaHindi mo alam kung ikaw ay masaya
Totoong ika'y ngumingiti't tumatawa
Pero totoo ba iyong ngiti at tawa
Kung kailaliman ng iyong emosyon ay malungkot ka?Sa paglipas ng mga araw sa iyong buhay
Hindi mo alam ang iyong isusulat sa iyong talambuhay
Kung isusulat mo ba ang iyong nararamdaman
O ikikimkim ito magpakailanman
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...