"Bestfriend na totoo"Kabigan kong loyal
Anong iyong isusugal?
Di ka na nga niya mahal
Magiging loyal ka pa ba kupal?Naging totoo ka sa akin
Tinanggap mo ang galit kong kinimkim
Naiintindihan mo ako
Kahit di kita pinansin ng ilang segondoNakakatawang isipin
Napakasakit tanggapin
Na sayo pa nagmula
Mga salitang pumunit ng aking kaluluwaNaiintidhan ko kayo
Dahil nagalit lang kayo at hatak ng emosyon
Patawad sa nagawa ko sa inyo
Dahil nalaman niyo naman ang totooMaswerte ako dahil nakilala kita
Isang pandak na lalaki
Kagwapohan nga siya,
Pero mas maingay sa babaeMaaasahan sa lahat ng oras
Handang makinig ano man ang problema
Laging nag-aalala sayo
Pag ika'y wala sa wisyoNag-aasaran minsan
Nagkakagalitan naman
Pero di natatapos ang samahan
Dahil laging nagpapatawaranTuring ko sayo'y bestfriend
Sana yan rin ang turing mo sakin
Dahil ikaw ang nakakaunawa
Sa lahat ng aking mga ginagawaMasaya ako dahil dumating ka
Masaya ako dahil nakilala kita
Ito ang tatandaan mo
Mahal kita gagong kaibigan ko-To Meg
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...