Poem 81

251 5 0
                                    

"Uy Binibini"

Uy binibini,
Gusto ko lang sanang sabihin,
Na lubos akong nabighani,
Ganda mong mala dyosa kung mapansin.

Uy binibini,
Labis akong nabighani,
Sa'yong kagandahan,
At sa iyong ngiti.

May iniirog ka na ba binibini?
Sana naman wala,
Dahil ikaw ang sanhi,
Nitong matamis kong ngiti.

Ikaw ang tinitibok nitong puso,
Ikaw ang dahilan nitong ngiti,
Sana naman ako'y mapansin mo,
Lalaking pinapangarap ka parati.

Parang kang bituin binibini,
Ang sarap mong titigan,
Ang sarap mong pagmasdan,
Pero kailan may di ka kayang abutin.

Uy binibini,
Kilala mo ba ako?
Nariyan lang ako sa likod mo.
Hinihintay panglingon mo.

Uy binibini,
Lagi kitang pinagmamasdan,
Mula sa di kalayuan,
Nang hindi mo alam.

Pag tinamaan ka nga naman,
Walang inuurungan,
Itong pusong tumatakbo't tumitibok,
Para lang sa'yo.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon