Minsan
Mapapatanong ka sarili mo
Kung may nagmamahal ba sa'yo
Kung may nag-aalala sa'yo
O may punto bang mabuhay sa mundoMapapatanong ka minsan
Kung may taong pwede mong lapitan
Palagi mong maasahan
Palaging para sa'yo nandiyanSimpleng kaibigan lang iyong kailangan
Pero parang pinagkait pa ng kalikasan
Di mo alam kung sino at kailan
Sa kanila iyong malalapitanMay mga taong malapit naman sa'yo
Pero maya-maya biglang lalayo
Mapapaisip ka talaga dito
Kung sila ba'y totooMinsan palagi tayong mapapaisip
Sa lahat ng bagay at na tayo'y naiipit
Maging matatag ka lang kaibigan
Makakahanap ka ng masasandalan
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...