Poem 47

361 5 0
                                    


"Pagmamahal na Walang Hanggan"

Naglalakihang ngiti,
Walang halong pighati
Nagtatawanang puso
Walang halong galit at puot.

Masasayang usapan
Walang tigil, walang hangganan
Masayang mga puso
Tunay ngang pag-ibig ito

Magkahawak ang kamay
Di alam ang presensya ng lumbay
Magkatabing nagmamahalan
Pagmamahal na walang hanggan

Walang sakit sa damdamin
Walang ibang a-angkin
Mahal ang isa't isa
Walang bibitiw sa isa't isa

Ang mga pangakong binitawan
Tuluyan nang binitawan
Walang tigil sa pagpatak
Mga luhang sakit ang sangkap

Tuluyan nang nawala
Ang ngiting di mawala-wala
Ito na ba ang katapusan
Pag-ibig mawala ng tuluyan

Nasasulok ng bahay,
Walang gumagabay
Nawasak na puso
Pano mabubuo

Tuluyang linamon
Ang pusong di umahon
Sa pagkalunod sa lungkot
At pati narin puot

Nawasak na ang puso
Nawasak ang pagkatao
Ito na ang katapusan
Ng pagmamahal na walang hanggan

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon