Poem 90

230 3 0
                                    

Ang Pagtatapos

Sa mahigit sampung buwan
Nanatili tayo sa eskwelahan
Nagkaroon ng kaibigan
Nagkaroon ng magandang samahan

Sampung buwan laging magkasama
Araw-araw laging nagkikita
Limang araw nagtatawanan
Buong araw nag-aasaran

Marami ang nabuong ala-ala
Mga ala-ala na di malilimutan
Na akala mo mawawala bigla
Na iyong iisipin kinagabihan

Sa darating na Marso
Magkakahiwalay na kayo
Ga-graduate kayo suot ang toga
Sa kamay niyo ay kumikinang na diploma

Nagyakapan, nag-iyakan
Mga samahang magiging ala-ala
Sa darating na kolehiyo pag maalala
Mapapangiti nalang kayo

Nag-iba ang mga landas niyong lahat
Ang iba ay lumisan sa ibang lugar
Magkalahiwalay na kayong lahat
Ang pagtatapos na pagsasama niyo

Ang pagtatapos ay hindi ang katapusan
Maaring ito rin ang simula o sa kinabukasan
Magkakahiwalay man kayong lahat
Pero mananatili ang ala-ala at pagkakaibigan

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon