Poem 77

248 2 0
                                    

"Kung Sana Naging Tayo"

Kung sana naging tayo,
Ako ang papahid sa mga luha mo,
Ako ang magpapatahan sa'yo,
Ako ang magpapasaya sa'yo.

Hindi ka na iiyak sa kanya,
Hindi ka na masasaktan nila,
May nagmamahal sa'yo ng totoo,
Kung alam mo lang nandito ako.

Kung sana naging tayo,
Magiging masaya ka sa piling ko,
Tatawa ka ng walang humpay,
Puso mo'y muling mabubuhay.

Kung sana naging tayo,
Hindi ako ang lalaking gago,
Na laging nagloloko,
Ako'y totoong nagmamahal, para sa'yo.

Kung sana naging tayo,
Hindi ka na nasaktan pa,
Pero nagkamali ikaw sa pagpili,
Manloloko ang iyong napili.

Alam kong nagmahal ka lang,
Alam kong nabulag ka lang.
Pero sana nakita mo ako,
Ang totoong nagmamahal sa'yo.

Kung sana naging tayo,
Ako ang magiging ilaw ng madilim mong buhay,
Kung sana naging tayo,
Ako ang magiging Supremo ng iyong mala-Zein na buhay.

Kung sana naging tayo,
Ako ang bubuo ng araw mo,
Di ka kailan man malulungkot,
Dahil narito ako para sa'yo pangako.

Linoko ka man nila,
Sinaktan at iniwan sa kawalan.
Sana nakita mo ako sa iyong likuran,
Minamasdan ka kahit nasasaktan.

Kung sana naging tayo,
Masaya ka na sana saking piling.
Sana naging tayo nalang,
Pero pinili mo siya, kesa sakin.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon