Gago't Katangahan
Nagpapaloko't nagpapagago,
Ilang beses ka nang sinaktan at pinahirapanPero nandiyan ka parin sa mundo ng katangahan
Kailan ka pa aalis sa mundon 'yan?
Anong silbi ng mga payo sa'yo,
Anong silbi ng nga kaibigan mo sa'yo?
Hindi mo magawa ang sinasabi nila,
Hindi mo masunod ang tadtad salita nila,
May plano ka pa bang magbago?
Kagustuhan mo pa bang maging masaya sa mundong ito?
Mahal mo siya alam ng lahat 'yon,
Mahal mo siya kahit sinaktan ka niya.
Gago na kung gago ang turing mo sa sarili mo,
Tanga na kung tanga ang tingin mo sa sarili mo,
Pero wag mo namang gawing pang habambuhay ang katangahan mo.
Mulat ka sa katotohanan ,
Pero patululoy ka parin sa kataksilan,
Kataksilan sa sarili mong dignidad at paninindigan.
Ilang beses mong sinabi na "ayoko na"
Ilang beses kang nagsabi "papakamatay na 'ko"
Pero anong napala mo sa kalokohan mo?
Nagising ba ang diwang katotohanan mo at pinatay ang katangahang kaisipan mo?
Kahit anong pilit,
Kahit anong payo at giit,
Walang magbabago sa iyong pagiging gago.
Masaya kang linoloko; masaya kang nagpapaloko.
Masaktan ka man sa mga salitang to, alalahanin mo; nandiyan ako sa bilang kaibigan sa lahat ng pighati't galit mo.
Alam kong wala na akong magagawa,
'Yan ang nasa puso mo't isipan.
Pero lumingon ka sa lahat ng sakit na pinagdaanan mo,Karapat dapat pa ba ang taong mamahalin mo?
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...