Poem 74

261 4 1
                                    

Ang Huling Paalam

Nakangiting tumitingin sa kalangitan,
Abot langit ang ngiting inaasam-asam,
Walang bumabalot na kahirapan,
O sadyang natatakpan lang?

Tumatawa ng di inaasahan,
Nakangiti parin kadalasan sa karamihan,
Kung minsan nakikipag-biruan sa kaibigan,
Pero ito nga ba ang katotohanan?

Nakikipag-biruan sa kaibigan,
Nagkakasiyahan at nagbabaliwan,
Nakaukit sa kanyang labi ang ngiti,
Sinasaksak naman ang puso niya ng pighati.

Umiiyak ang puso sa likod ng ngiti,
Tumatawa ng iyak ang kanyang labi,
Ano ang kanyang sasapitin,
Lungkot at sakit siya'y iniipit.

Nakangiti siyang nakatingin sa taas,
Hinawakan niya ang magiging kaibigan niya,
Puso niya ang huling nagbibigkas,
Bago siya yakapin ng lubid at lumisan ng tuluyan.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon