Poem 63

266 4 0
                                    


"Kaibigan"

Sa sobrang dami ng pinagdaanan natin,
Sa dami ng mga bagay na ating kinainisan,
Narito parin tayo magkasama't nakatayo,
Masayang tinitingnan ang malupit na mundo.

Sa bawat segundong lumilipas,
Ang iyong ngiti ay hindi parin kumukupas,
Matatapos man ang taong ito,
Ipagpapatuloy parin natin ang pagkakaibigang konkreto.

Lilipat man tayo ng mga eskwelahan,
Magbabago man ang landas na nakagawian,
Sana hindi tayo magbago,
Kahit na tayo'y magkakalayo.

Tatandaan mo kaibigan,
Isa ka sa mga yaman,
Na buong buhay kong itatago,
Hanggang kamatayan ikaw ay tatandaan.

Pasensya na aking mahal na kaibigan,
Kung sa darating na panahon man,
Ay hindi na ako ang iyong aasahan,
Sa mga bagay na iyong nararamdaman.

Pasensya na kung hindi na ako,
Hindi na ako ang magpapahid ng luha mo,
Hindi na ako ang magpapangiti sa'yo,
At hindi na ako ang magpapasaya sa mga araw mo.

Magkalayo man tayo sa darating na panahon,
Magbabago man ang daloy ng alon,
Sana ikaw parin ay ikaw,
Ang kaibigang puso ko ay sigaw.

Salamat sa memorya,
Salamat sa saya,
Hindi man ako perpektong kaibigan sa'yo,
Sana ay naging mabuting kaibigan ako.

Wag kang mag-alala kaibigan,
Ako parin ang taong iyong inaasahan,
Hindi ako magbabago sa'yo kailanman,
Pangako yan magpakailanman.

Sa darating na panahon na magkikita tayo,
Sa darating na panahon na magsasaya ulit tayo,
Tatandaan mo na ikaw parin ang kaibigan ko,
Na minahal ko at papahalagahan ko.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon