"Ariel"
Grade 10 nong kami nagkakilala
Naging magkaklase kami sa iisang silid
Naging magkaibigang ubod ng kulit
Silid ay napuno ng kulitan at tawananDi man kami noon ganon kalapit sa isa't isa
Di man kami ganon nagkwe-kwentohan
Naging malaking parte siya ng buhay ko
Na kailanman ay di magbabagoMakulit siyang kaibigan
Di mawawala ang tawanan
Di rin mawawala ang lambingan
Kaya marami ang napalapit sa kanyang kabaitanMay pagkatarantado minsan
Pero sobrang palabiro kadalasan
Ano pa bang aasahan sa isang Ariel
Siya'y likas na palabiro at masiyahinMinsan lang naman kami mag-usap
Minsan lang din kami nagkikita
Pero alam kong nariyan siya para sakin
At ganon di ako sa kanya kahit di sabihinWala siyang katulad sa mundo
Talagang siya'y ipagmamalaki mo
Na sa iyong buhay dito sa mundo
Nakilala mo ang taong totoo
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryMay mga bagay sa mundo na ang hirap sabihin. May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag. Lalo na pag ang mga bagay na ito ay ang nararamdaman mo. Ang mga tulang mababasa mo ay punong-puno ng emosyon. Emotions that you'll feel once you started rea...