Poem 55

280 4 0
                                    


"Sakit ng Depresyon"

Naisip ko narin kahit minsan,
Kung bakit ako nasasaktan,
Siguro dahil sa sobrang gago ako,
Sa pag-asang matutupad ang pangako.

Ang sakit sa damdamin, ang hirap aminin,
Wala na akong masabihan,
Ng aking nararamdaman,
Itago sa sarili at tuluyang tiisin.

Ang sakit sa puso ng sakit na ito,
Hindi ko alam kung bakit ganito.
Walang tigil sa pag patak ang lungkot ko,
Hindi alam kung hanggang saan aabot ang luhang ito.

Ang hirap tanggapin ang katotohanan,
Mag-isa nalang ako sa pag-lunas nga aking kasalanan.
Ang mga taong dati kong inasahan,
Hindi na malapitan hindi ako nauunawaan.

Hindi nila alam ang sakit na nararanasan ko,
Hindi nila alam ang depresyong nararanasan ko,
Ang daming pumapasok sa aking isipan,
Hindi ko alam kung sino ang aasahan.

Parang hangin nalang ako sa kanila,
Di ko alam kung nandyan pa ba sila,
Para sakin kung ako'y nangangailangan,
At sa oras na ako'y nasa labis na kalungkutan.

Hindi na talaga maibabalik ang nakaraan,
Hindi na talaga maibabalik ang dating samahan,
Ano pa ba ang magagawa ko?
Kung ito ang plano ng aking illusyon?

Nagbago man ang ugali ko,
Ang hirap mang kausapin ako,
Di naman nila ako masisisi,
Dahil sa pagbago ko sila ang saksi.

Sa pagpatak ng bawat butil ng luhang ito,
Kasabay nito ang lungkot na nadadarama ko,
Sana mawala na ito sa pag-agos,
Sana mahugasan ang sakit at galos.

Ang bigat nitong aking damdamin,
Ang sakit ng puso sa tinatagong lihim,
Napakahirap ng lahat para sakin,
Dahil tuluyan na akong sinaktan ng palihim.

Binabalewala ang aking presensya,
O sadyang pag-iisip ko lang pala,
Tuluyan na akong linamon ng sakit na depresyon,
Di ko alam ang gagawing sulosyon.

Wala na talaga siguro silang pakialam sakin,
Dahil kahit wala ako sila'y masayahin,
Di nila alintana ang ang pagkawala at problema ko,
Dahil wala na talaga silang pagaalala sakin.

Ang sarap tapusin ng buhay na ito,
Pero may takot pa ako sa Diyos na mahal ko,
Di ako gagawa ng kasalanan sa kaniya,
Dahil siya lang ang nakakaintindi sa pinagdadaanan ko.

Hindi ko gusto ang nararamdaman kong ito,
Hindi ko gusto ang paghihirap kong ito,
Sana man lang maramdaman nila na nandito pa ako,
Ang sakit-sakit pero kinakaya ko.

Gusto ko nang magpahinga,
Hindi ko na kaya ang mga problema,
Napakasakit ng puso ko,
Ang bigat rin ng dibdib ko.

Patuloy parin ang daloy ng mga luha,
Hindi alam kung kailan titigil,
Habang buhay magluluksa,
Sa pusong pagmamahal ay pinipigil.

Hindi alam ang mga mangyayari,
Sa mga susunod na araw na di ko mawari,
Masasaktan lang at masasaktan lang ako,
Habang ako'y nandito pa sa mundong ito.

Ang sakit nitong depresyon,
Di alam ang gagawing solusyon,
Lungkot at pighati ang naghahari,
Dito sa wasak kong puso.

Gusto ko nang bumitiw sa lahat,
Bitawan ang lungkot at mga kaakibat,
Kung ito lang ang dapat gawin,
Para matigil na itong sakit na daing.

Sakit lang ang nasa puso,
Lungkot rin ay umaabuso,
Wala nang natitirang saya,
Lahat ay nawala nalang bigla.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon