Chapter 21 - Healed

76.1K 1.4K 138
                                    

Chapter 21 - Healed

Avia's POV

Isang linggo na ang nakalipas. Naging maganda naman ang buhay namin so far. Wala ng masama pang nangyayari kay Lorelei. Hindi ako gaanong ginugulo ni Wynner. At masaya kami ni Kier bilang magkaibigan.

Napadaan ako sa kwartong ginagamit ni Wynner at napahinto ako ng may marinig akong tumutugtug. Nakaawang ang pinto kaya sinilip ko ito. I saw Wynner strumming his guitar. He knows how to play? Hindi ko alam.

♫♪I like you

Girl, you don't got nothing to prove to me

I know that times have been rough

For the both of us

But I'll pray for change♫♪

Nagulat ako sa ganda ng boses ni Wynner. Sa sobrang tagal ko siyang nakilala, hindi ko man lang alam na may ganito siyang talent. Akala ko puro lang siya kayabangan at kahambugan. Siguro kasi hindi ko man lang siya binigyan ng chance na mas makilala siya. Inalam ko lahat ng negative sides niya pero hindi ako nag-effort kung ano naman yung good sides niya.

♫♪You see, this world has lots to offer but

In time it will go dark

And if this love is what we say it is,

I'm sure we will go far

And with a girl as sweet as you,

There's not much else I can do,

But fall for you.♫♪

Para namang feel na feel ni Wynner ang kinakanta niya. Hmm, siguro may nagugustuhan na ito. Manghaharana kaya siya? Baka may nagugustuhan na siyang tao? Sa halos dalawang linggo na niyang tinatagal dito sa mundo ng tao, malamang may nagustuhan na siya.

Nanlaki mata ko ng huminto siya sa pagtugtug at lumingon sa gawi ko. Nginitian niya ako at nilagay ang gitara sa tabi niya.

"Kanina ka pa dyan? 'Lika, pasok ka." Nakangiti niyang sabi. Buti naman at hindi niya iniisip na sinisilip ko siya at baka kung ano nanaman magawa ko sakanya.

Pumasok din ako sa kwarto niya saka nilibot ang tingin. As if naman hindi pa ako nakapasok sa kwarto niya.

"Marunong ka pala mag-guitara." Nasabi ko na lang.

"Ay Oo. Tinuruan ako ni daddy. Ikaw, marunong ka din ba?" Tanong niya. Umiling naman ako. Kahit anong music instrument hindi ako na-invlove kaya wala akong alam sa music. Hindi nga ako kumakanta e.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon