Chapter 36 - Vacation

54.3K 1.3K 93
                                    

Chapter 36 – Vacation

 

This is dedicated to you. Gandang ganda talaga ako sa Sinclaire Academy. :) Sana naalala mo pa ako. Hahaha. Maganda 'yun guys. basahin niyo ^___^

A.N: Isang paalala. Oo, Nyx is pregnant. But please lang po. Don’t compare it to Bella of twilight. I have originality. Hindi siya papangit kagaya ni Bella, that is absurd at eww kung iinom siya ng blood just to fed the baby’s thirst. May pinaglalaban ako. Kk. Nuff said of me.

 

Lorelei’s POV

“I’m what?” nabibingi na ba ako? Naapektuhan ba ng ulan ang pandinig ko? Baka naman napasukan ng tubig ang tenga ko habang naliligo.

“Kahit nagi-guilty ako kasi naging topic natin ‘yung bataan thingy, Masaya pa din ako para sayo.”

Bakit feeling ko hindi nagsisink in sa akin ang mga pinagsasabi ni Kyla? Bakit ako mabubuntis? Ay malamang kasi may nangyari sa amin! Pero isang beses lang ‘yun.

“Kailangan malaman ‘yan ni Aric! For sure matutuwa ‘yun.” Masayang pahayag ni Kyla.

“S-si Aric… Nandito si Aric kagabi.”

“Nakita mo siya? So alam na n’ya?” umiling naman ako.

“H-hindi ko siya nakita.”

“Sure ka ba girl? Haaay. Bakit ba kasi ngayon pa sila nawala kung kailan kailangan sila.” Nanlulumong sabi ni Kyla.

“B-babalik din si Aric. N-naniniwala akong babalik siya.” Pinilit kong pasiglahin ang boses ko para na din hindi mag-alala sa akin si Kyla.

“Dapat lang! kailangan ka niyang panagutan! Dapat nga malaman ‘to ng kaharian nila! Isang tagapag-mana ang dinadala mo, Nyx!”

 

"I'll tell you this, Lorelei. Kapag naging mag-asawa kayo ni Aric.. I mean.. Are you aware na hindi kayo pwedeng magkaanak?" Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko yun naiisip. Pero...

"B-bakit po?" Tanong ko.

"You'll die. Hindi kakayanin ng katawang tao na magdala ng isang sanggol na vampire."

 

“Nyx? Ok ka lang ba? Namumutla ka eh.” Sinalat niya ang noo ko at leeg ko.

“O-ok lang ako, Kyla. Salamat sa pag-aalala.” Nakangiti kong sabi sakanya.

“Good thing at tapos na ang school year. Kung hindi pag-uusapan ka sa school. Nasabi sa akin ni Tito Kent na dadalhin ka daw niya sa Probinsya para do’n ka magdalang tao— Ay? Dalawang vampire pala. Hihihi.”

Napabuntong hininga na lang. it’s either I will live or I will let the baby live. Isa sa amin ang mawawala, at hindi ang anak ko ‘yun. I will sacrifice if ever life will be jeopardized.

“Are you sure you’re ok, Nyx? Malalim ata iniisip mo. Don’t worry, I will support you.”

“I can’t believe I’m pregnant. I can’t believe I’m… pregnant.” There is this feeling inside na parang ang sarap sa pakiramdam. Motherhood? Ewan. Ang ganda sa pandinig kapag naiisip kong may buhay sa loob ng sinapupunan ko.

Bigla ko na lang nahaplos ang tyan ko. Wala pa siyang umbok kaya hindi pa halata. Hindi na ako makapaghintay na lumaki ang tyan ko.

“I think you need some check up.” Kyla advised.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon