Chapter 58 – Downfall
Inabot na nang gabi ang pag-hahanap ni Avia at Wynner sa pamangkin. When Avia contacted her twin, wala pa din daw ang batang Prinsepe sa palasyo. Nasa may gubat na sila pero itong si Wynner hindi pa din maamoy si Hunter.
“Hindi kaya may nangyaring masama sa kanila habang naglalaro?” Avia says nervously. She knows it was unusual na pahamak si Hunter kasi si Smitt ang kasama niya. Alam niya na kung may kapahamakan man na mangyayari, malalaman agad ‘yon ni Smitt dahil isang hangin siya.
“Let’s not make our hopes down, Avia.” Wynner said.
Habang naglalakad sa madilim na gubat, bigla na lang nakarinig ng kaluskos sa daan ang dalawa. Kaya itong si Avia mahigpit na napahawak kay Wynner sa braso.
“Luh?! Ano ‘yon?” kabadong tanong ni Avia.
Pareho naman silang huminto. “Dyan ka lang tignan ko lang ang mga bushes.” Wynner said.
Umiling naman si Avia at mas hinigpitan ang pag-hawak kay Wynner. “Ayoko! Sasama ako!” matigas na sabi ng Prinsesa.
“Avia! Hindi ka nanaman mapapa’no dito.” Sabi pa ni Wynner.
“I don’t care! Gusto ko kasama ka!” matigas niya pang sabi.
“Kailangan ba akong kiligin?” nakangising sabi ni Wynner.
Bigla na lang nahampas ni Avia si Wynner sa braso. “Kainis ka.”
“Hahaha. Pikon ka agad niyan? Bitaw na kasi at titignan ko kung ano ‘yung gumagalaw.” Wynner insisted.
“Hindi. Titignan nating dalawa kaya kasama ‘ko.” Pangungulit pa ni Avia.
“Sige na nga. Prinsesang lampa ka talaga!” pangungutya ni Wynner.
“Ano sabi mo?!” nakapameywang na sabi ni Avia.
“Wala. Mahal kita.” Nakatawang sabi ni Wynner.
-=-
At Vampire City…
“Where is Avia again, Aric?!” Queen Ingrid asked Aric. Halata sa boses nito ang pagkainis at pagkairita.
“Hinahanap niya si Hunter—“
“I told you h’wag mong hahayaang umalis ang kambal mo! Didn’t you understand na habol siya ng mga kaaway?!”
“Ingrid, tama na. Ako na ang kakausap sa anak natin.” Mahinahong sabi ni King Hansel.
“I’m sorry, Mom—“
“H’wag niyo na pong pagalitan si Aric, Mahal na Reyna. Ako ang nagpabaya kay Hunter kaya tuloy hinahanap siya ni Avia.” Mababang sabi ni Lorelei.
“Lorelei, hija. Stay out of this. Hindi mo alam ang—“
“Ingrid! Nagiging paranoid ka nanaman! H’’wag mong idamay si Lorelei sa inis mo kay Aric!” saway ni Hansel.
“Hindi ako inis, Hansel! I’m furious! Pwedeng nasa panganib ang anak mo!” Queen Ingrid retorted.
“Hindi maaayos ang problema kung ganito tayo.” Sabi ni King Hansel sa Reyna niya. Lumingon naman ang Hari sa isa sa mga kawal nila. “Samahan mo ang Reyna sa silid niya. Napapagod ka lang, Ingrid.”
Umakyat sa silid niya si Queen Ingrid habang sumunod naman si King Hansel.
“Pagpasensyahan mo na si Mommy, Lorelei. Sobrang nag-aalala lang siya sa kambal ko.” Sabi ni Aric kay Lorelei.
BINABASA MO ANG
Vampire City 2: Black Rose
Vampire[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa kanilang magulang? Pero paano kung hindi na mga bampira ang makakaaway nila? Paano kung mortal na an...