Chapter 38 - Ti Lascio Andare

49.1K 1.2K 147
                                    

Chapter 38 – Ti Lascio Andare

Kyla’s POV

Dalawang buwan na ang nakalipas. Malamang, buntis pa si Nyx. Mas lumaki na ang tyan n’ya ngayon. Maselan na din ang pagbubuntis niya kaya doble pag-iingat ang pag-aalaga naming sakanya.

Si Nay Lina at ang kanyang asawa ay pinagbakasyon muna ni Tito Kent, dahil bukod sa akin, at sakanilang dalawa, kami na lang pala ang tao dito si Villa. Nasabi sa akin ni Tito na ang mga katulong daw dito na at body guards na dinala nila ay pinadala ng kaharian nila Aric. Siguri para magkaroon ng secrecy ang pagbubuntis ni Nyx.

“Nyx, kain kana muna?” Pinagluto ko siya ng lugaw kasi makakabuti sakanya ang carbs.

“M-mamaya na Kyla.” Sabi niya habang nakatagilid. Tanghali na pero ayaw niya pa ding bumangon.

“Hindi na ‘to masarap kapag mainit.” Naka-pout kong sabi.

“Sumisipa ang anak ko kapag kumakain ako eh.” Sabi niya tapos humarap sa akin. “Pero hindi ako nakakaramdam ng gutom at sakit.” Nakangiti niya pang sabi.

“Haaay. Oh sige. Pero kapag gusto mo ng kumain, tawagin mo lang ako, ha? Iinitin ko na lang ulit ‘to. Alam mo naman na ako na lang ang kumakain dito sa loob.”

Ganun si Nyx. Hindi na nga s’ya umaalis sa kwarto niya eh. Kahit sinasabihan kong lumabas man lang para ma-excersize, ayaw n’ya.

Isang gabi, habang nagbabasa ako ng libro sa living room, naramdaman kong may tumapik sa likod ko. Paglingon ko, si Nyx. Nakasuot ng putting duster at halatang bagong ligo.

“Naligo ka pala. Bakit hindi mo ako sinabihan? Pa’no kung nadulas ka?” Napatayo ako at inalalayan ko s’ya.

“Ikaw naman. Para namang may sakit ang trato mo sa akin eh.” Nakapout n’yang sabi.

“Bakit ka lumabas? Nagugutom ka na? nabobored ka na sa kwarto mo?” umiling naman siya.

“May gusto akong puntahan.” Simple niyang sabi.

“Saan? Gabi na kaya.”

“Sa lighthouse.” Para naman akong nabilaukan sa sinabi niya. Oo tanaw lang naming ang light house pero malayo na ‘yon sa kalagayan n’ya. To think na sobrang taas niya pa ah!

“Hindi pwede!” Nakahalukipkip kong sabi.

“Ha? Sige na please?” She twinkled her eyes at pinagdaop niya dalawa niyang kamay with matching pout. No Kyla. H’wag kang magpapadala sa ganyan. Pakiusap!

“Hindi pwede! Ayoko!”

“Please?”

“No! cannot be! Mapapagalitan ako ni Tito Kent.”

She pouted.

“No, Nyx. No no no no no no.”

“Wow! Ang ganda pala dito sa taas!” Masaya niyang pahayag. Hindi ko siya pinansin. Napakpoker face lang ako habang kinakabahan. Oo, kinakabahan talaga ko. Wala si Tito Kent, hindi ko alam kung saan. Pa’no kung umuwi ‘yun at hindi kami madatnan sa bahay?

Sino mapapagalitan? Ako diba? Kasi hindi naman siya makakapanhik dito kung hindi ko siya pinayagan.

Haaay! Kung hindi lang ako naaawa sa bestfriend ko eh.

Vampire City 2: Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon