Chapter 1 - Stalker in the dark
"Young Lady, maghanda ka na para sa unang araw ng klase mo.. Young Lady, gising na Young lady." niyugyog siya sa balikat ng kanyang yaya. Kinuha niya ang unan at tinakip sa mukha niya.
"asdfghjkl! Ya! Later na! I'm too sleepy!" she said in a sleepy voice.
"Wag ng makulit. Magagalit nanaman ang senyor." ang Senyor na tinutukoy ng kanyang Yaya ay ang kanyang Uncle Kent na kumupkop sakanya ng maulila siya.
"Eh di you tell him na nasa school na ko." sabi niya habang nakatakip pa din ang unan sa mukha.
"Haay naku, alam mo naman na napakahigpit ng senyor pagdating sa studies mo diba? Kaya sige na, bangon na." tinanggal ng kanyang Yaya ang kumot niya saka hinawi ang kurtina sa kanyang malaking bintana. Naramdaman niya ang sinag ng araw dahilan para mapabangon siya.
"Ya! Can you atleast, ugh! Leave me alone na muna nga! Puyat ako dahil sa party kagabi!" inis niyang sigaw sakanyang Yaya. Napailing na lang ang kanyang Yaya.
"Ayan, party nanaman. Pasalamat ka hindi ka nahuli ng senyor." Pansesrmon sakanyang ng kanyang Yaya. She make faces dahil alam niyang sesermunan nanaman siya ng kanyang Yaya sa pagiging party girl niya.
Siya si Nyx Lorelei Park. 17 years old , 2nd year college taking up International Studies. People say she has everything. But there's this empty space in her heart that made her incomplete. May kaibigan siya pero alam niyang hindi naman totoo sakanya. May mga manliligaw siya pero hindi naman niya gusto. Updated siya sa gadgets pero ni isa hindi niya ma-enjoy. Mahal siya ng uncle niya pero hinahanap niya ang pag-mamahal ng magulang.
She has everything, but she felt alone.
Hindi maikakaila na pagdating sa hitsura, angat sa iba si Nyx. Her dark blue eyes na parang dagat tuwing nasisinagan ng araw. Ang kanyang buhok na golden brown that compliments her fair skin. Her thin lips na bumabagay sa maliit niyang ilong. Almost perfect. Almost.
At school..
"Malapit na ang birthday mo ah." sabi sakanya ng classmate niya. She's Kyla, her friend but not her bestfriend.
"So? What's the big deal?" patamad niyang sagot habang tinitignan ang kanyang finger nails.
"Duh?! It's your debut kaya! Don't tell me wala kang party?!" pa-exaggerated na sabi ng kaibigan niya.
"Kung meron man, for sure lahat lang yun kakilala ni Uncle Kent. More like, business social event, not my debut." she said bitterly.
"Fair enough, eh di imbitahin mo ang buong student dito sa school." she said giggling.
"May point ka dyan." Nyx smiled sheepishly.
Nyx is a kind of girl na everybody wants to be her friend. Hindi siya mabait. Hindi rin masama. Typical rich girl living her life to the fullest yet not enjoying it.
The whole afternoon, Nyx attended her subject attentively. She may be a somebody, she may be lazy going to school pero kapag nasa lecture siya masasabi mong isa siyang tahimik na studyante.
Napahawak siya sa ulo niya ng maramdaman niyang may bumato sa ulo niya. May nahulog na crumpled paper sa mesa niya. Dahan-dahan niya itong binuksan at napairap na lang sa nabasa.
Nireplyan niya ito ng isang napakalaking 'NO!!!' Her blockmate Andrew asking again for a date.
'Ang kulit talaga ng mokong na to! Hindi naman kagwapuhan!' sa isip-isip niya.
BINABASA MO ANG
Vampire City 2: Black Rose
Vampir[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa kanilang magulang? Pero paano kung hindi na mga bampira ang makakaaway nila? Paano kung mortal na an...