Chapter 40 – Missing
Kyla’s POV
“OMG~ May manggahan pala sa likod bahay.” Nasabi ko habang naglalakad-lakad sa buong Villa. Hapon na kasi kaya wala akong magawa. Si Nyx naman nasa kwarto niya at natutulog. Hinahayaan ko na lang kesa naman ma-stress siya sa kaiisip kay Aric.
Kumuha ako sandali ng asin sa kusina saka bumalik sa manggahan dala ang panungkit ng mangga.
Enjoy na enjoy ako habang nanungkit ng mangga ng makita ko ang malaki at habal na mangga. Kaso ‘di na s’ya abot nitong panungkit ko.
Wala akong choice kundi akyatin ang manggahan. Kaya ko naman ata. Tsaka, marami namang sanga, may maapakan ako. ‘Di naman siguro ‘to mababali eh.
I breath in and out bago ako umakyat. Dahan-dahan lang at ingat na ingat para hindi ako mahulog. Naku! Katakawan mo kasi Kyla eh. Eh bihira lang kasi akong makakain ng injan na mango, kadalasan carabao Mango.
Nasa gitna na ako ng puno ng biglang humangin at parang narinig ko yo’ng mga ibon na nagliparan. Hala! Baka nagambala ko sila.
Bumaba na lang kaya ako? Ihahakbang ko pa sana isa kong paa sa isang sanga ng biglang nadulas yung isa.
“Shit!” napamura ako nang makita ko ang baba. Masyado na palang mataas ang naakyat ko!
“WAAAAH~ Pa’no na ‘to?! Kasi naman Kyla eh!” Totoo nga ‘yung sabi nilang madaling umakyat ng puno pero mahirap ang bumaba. Hindi ko naman ‘to pwedeng talunin at alam kong mapipilayan ako.
Pumikit ako at dahan-dahang kinakapa ng paa ko ang pwedeng maapakan pababa. Halos mahigit ko ang hininga ko kasi talagang natatakot ako at kinakabahan.
Nahilo ako pagtingin ko sa baba. Nagpapawis na kamay ko saka ko naramdaman na parang nagdudulas ang kamay ko sa isang sanga na hawak ko.
“N-no… No.”
Kapag nahulog ako dito, hindi naman ako mamatay. Pero pwede akong mabalian. Pwede akong mapilay. Pwedeng mabali braso ko. At kapag nangyari ‘yon, hindi ko na mababatukan si Edric sa pang-iiwan niya sa akin ng wala man lang pasabi!
I heard a slight creak. A sign na nababali na ang suporta ko para hindi mahulog. Napapikit na lang ako. Ito ang napapala ng isang matigas ang ulo kahit alam naman na hindi kayang umakyat sa puno.
Unti-unti kong naramdaman na mahuhulog na ko. Syet lang! Nagagawa ko pang mag-narrate kahit nasa bingit na ako ng aking kabalian sa buhay.
Then everything seems so slow. Or was it just my imagination. Gusto kong papaniwalain ang sarili ko na slow motion nga para hindi ko maramdaman ang sakit.
Pero hindi eh. Nakita kong pati ang mga ibon na lumilipad sa langit ay mabagal din ang lipad. Pati ang sayaw ng dahon mabagal din.
Hinintay kong makalapat ang mga paa ko sa lupa pero parang nasalo ako ng isang bagay na malambot. Nababaliw na ata ako. Nasobrahan na ata ako sa kababasa ko sa mga fanstasy stories at kung ano-ano na ang naiisip ko.
“Ang lakas ng loob na umakyat sa puno hindi naman pala marunong bumaba.” My body stiffened. How can I forget that voice?
Dahan-dahan akong lumingon sakanya. Nakita ko ang mga mata na matagal kong kinasabikan. Para akong natulala sakanya. Bakit ba parang naipit ang dila ko? Diba marami akong gustong sabihin sakanya?
“E-edric?” hindi ako makapaniwalang nandito siya, karga ako. At matamang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Saya kasi sa wakas nandyan na siya. O inis dahil bigla-bigla na lang niya akong iniwan ng walang pasabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/11133642-288-k968174.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire City 2: Black Rose
Про вампиров[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa kanilang magulang? Pero paano kung hindi na mga bampira ang makakaaway nila? Paano kung mortal na an...