Chapter 57 – Dawn and Night
A.N: I’ll be using Third Person’s POV or Author’s POV kasi ‘yon naman talaga ginagamit ko kapag gumagawa ako ng action scene simula palang sa BOOK 1.
Third Person’s POV
“Tita, I’m going to play with Smitt. Can I? Can I?” Hunter asked Avia habang nasa bulwagan sila. Isang buwan na din at wala namang masamang nangyayari sa Palasyo. Naisip nila na baka wala naman talagang gano’n.
“Of course you can, baby Hunter.” Hinaplos ni Avia ang pisngi ni Hunter. Sobra siyang naku-cute-an sa pamangkin kapag nangungulit. At walang bagay na hindi niya ibibigay sa nag-iisang pamangkin kapag hiniling nito.
“Thank you po.” Ngumiti ito saka tumakbo patalikod habang kumakaway sa Prinsesa.
“Spoiled ata sa’yo si Hunter ah.” komento ni Wynner na katabi lang ni Avia.
“Oo naman. Nag-iisang pamangkin ko kaya ‘yan.” Natutuwang sagot ng Prinsesa.
“Halos magkapareha lang nga kayo ng Aura at kapangyarihan eh. I’m just curious, sino din kayang makakapag balance ng power niya.” Nakangiting makahulugan ni Wynner. Hinampas naman ni Avia si Wynner sa braso. Natawa naman ang huli.
“Masyado pang bata ang pamangkin ko. Tsaka kaya niyang kontrolin ang kapangyarihan niya. Kagaya ko kaya ko din!” hasik niya kay Wynner na mas ikinatawa ng isa.
“Talaga? Oo nga, lalo na kapag yakap kita.” Nakangisi nitong sabi.
“Nang-iinis ka ba, ha, Wynner?!” Napipikon na sabi ni Avia
“Hindi ah!” tinaas nito ang kaliwang kamay at pinipigilan ang tawa.
“Naasar ako sa’yo! Alis nga!” Napipikon kung iisipin, pero sa totoo, alam ni Avia na nahihiya lang siya. Nakakaramdam siya ng hiya kapag pinag-uusapan nila ni Wynner ang power-balance thingy.
-=-
“Lorelei, nakita mo ba si Hunter?” tanong ni Aric sa dalaga habang nag-aayos ng damit sa maleta. Malapit na kasi ang kaarawan ng Tito Kent niya kaya naisipan niyang samahan ito mag-celebrate sa hillside kasama si Aric at Hunter.
“Sinama siya ni Avia sa bulwagan.” Sagot naman neto.
“Pa’no ‘yon mangyayari eh nakita ko si Avia na kasama si Wynner—walang Hunter.” Pagdadahilan naman ni Lorelei sakanya.
“Ang paranoid mo. Nandyan lang ‘yon sa tabi.” Nakangiting sabi ni Lorelei.
“Siguro nga. Hindi lang kasi ako sanay na nawawala sa paningin ko ang anak natin.” Sabi naman ni Aric.
“Naiintindihan naman kita.” Lumapit si Lorelei kay Aric at yumakap ito sa braso niya. “Pero paminsan-minsan, kailangan din nating bitawan ang anak natin. Lalo na’t isa siyang Prinsepe.”
“’Yon na nga eh. Isa siyang Prinsepe kaya mas natatakot ako sa kaligtasan niya.” Ani Aric. Natawa naman si Lorelei sa sinabi ng kasintahan.
“Nababakla na ba ang Aric ko? Why. You’re acting like a paranoid scared lady!” Natatawang sabi ni Lorelei. Aric slightly glared at her saka tumingin sa malayo.
“Ayaw ko lang na may mangyaring masama. Oo, natatakot ako. I am just scared because it’s Hunter and you—we’re talking about. Hindi ko na ata kakayanin kung parehong kayong dalawa ang mawawala.” Ngumiti naman si Lorelei sakanya saka hinaplos ang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Vampire City 2: Black Rose
Vampiros[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa kanilang magulang? Pero paano kung hindi na mga bampira ang makakaaway nila? Paano kung mortal na an...