Chapter 47 – </3
Aric’s POV
“Sige na, Mama. Pwede ka na pong bumalik sa katawan niyo.” Sabi ng anak ko saka biglang lumakas ang ulan at ang hangin. Parang pumapasok sa buto mo ang hangin dahilan para manginig ko.
Nilagay ni Hunter ang kamay niya sa dibdib ni Lorelei. Napatingin ako kay Daddy na napupuno ng pagkamangha sa pinakikitang kapangyarihan ng anak ko.
“Tama nga si Lolo Vladimir. Napakamakapangyarihan nga ni Hunter.”
Napatingin lang ako sa anak ko. Hindi ko din mapigilan ang hindi mag-alala. Ang lakas niya. Ramdam na ramdam ko ‘yon kasi ako ang Ama niya. Mas malakas pa nga siya kay Avia eh.
Lumayo ng konti si Hunter kay Lorelei. Lahat kami nag-aabang sa susunod na mangyayari. Tumigil ang ulan patia ng hangin. Lumapit sa akin si Hunter at kinuha niya kamay ko.
“Papa, ikaw ang gusto ni Mama na unang makita.” Sabi niya sa akin.
I hesistantly walk towards Lorelei. Basang-basa ang katawan niya. Nagkalat ang buhok niya sa mukha niya. Bilang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang kawakan ko mga kamay niya. Hindi maitatangging miss na miss ko siya.
Hinawi ko ang buhok niya sa mukha at bigla ko na lang siyang niyakap. Naramdaman ko ang init na unti-unting kumakalat sa katawan niya. Naramdaman ko ang mga pulsong unting-unting gumagalaw. At naramdaman ko ang puso niya na malakas na tumitibok.
“A-aric…” bulong niya.
Naluha na lang ako bigla. Kay tagal kong hinintay na banggitin niya pangalan ko. Akala ko hanggang illusyon na lang ‘yon. Pero hindi. Totoo na ‘to. Binanggit niya ang pangalan ko habang nakangiti.
“M-mahal ko.” I cupped her face. Kay tagal kong nangulila sa mga mala asul niyang mata. Sa mga ngiti niyang nakakapagpalakas sa akin.
“Sorry kung ngayon lang ako. Namasyal kasi ako sa paraiso eh.” Napatawa ako sakanya kahit umiiyak.
“Ok lang. Kahit gaano pa katagal basta ang importante makasama pa din kita.” Ngumiti din siya sa akin.
Inalalayan ko siya sa pagtayo. Maputik na ang kanyang putting bestida. Nakita kong nayakap niya sarili niya marahil dahil sa lamig.
“Nilalamig pa siya, Aric. Isang mortal pa din si Lorelei.” Sabi ni Daddy.
Wala akong choice kundi hubadin ang t-shirt ko at ipasuot kay Lorelei.
“Kaya mo bang maglakad?” tanong ko. Tumango siya pero no’ng nilakad niya paa niya natapilok siya.
“Come here.” Kusa na akong lumapit sakanya saka ko siya biglang binuhat.
“Papa… Papa… Ako din!” napatingin kami ni Lorelei kay Hunter.
“Oh Hunter.” Hinaplos ni Lorelei ang pisngi ng anak naming.
Binuhat naman ni Edric si Hunter at pi-amba sa likod ko. Napangiti ako sa hitsura naming. Buhat-buhat ko ang pinakamamahal ko habang naka-piggy back ride ang anak ko.
Paalis na sana kami ng biglang may nagsalita.
“Sa’an kayo pupunta?! Sa palagay niyo makakaalis na lang kayo ng gano’n gano’n na lang?!” Nakangising sabi ni Trever nang lingunin ko siya. Yung mga kasamahan niya unti-unting bumabangon at napapaligiran na nila kami
Naramdaman kong bumaba si Hunter sa likod ko yumakap sa braso ko. Ibinaba ko naman si Lorelei at pinaupo ko muna sa bato.
“Sumuko ka na, Trever! Kahit kailan hindi ka mananalo sa amin!” sigaw ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Vampire City 2: Black Rose
Vampire[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa kanilang magulang? Pero paano kung hindi na mga bampira ang makakaaway nila? Paano kung mortal na an...